《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 28

Advertisement

Lihim akong ngumisi habang inaayos ang sarili.

I drew myself away from him and turned my back. Nagpanggap akong nag-aayos ng sarili kahit may luhang pumapatak sa mga mata ko.

Ginusto ko man iyon, hindi pa rin maitatago ang motibo ko.

"Andyan na ata ang pina-deliver kong pagkain, puntahan ko lang sa baba." Malumanay na sabi ko kahit, salungat doon ang nararamdaman ko.

Hindi pa man ako nakakalayo sa kaniya ay nahawakan na niya ako sa kamay, stopping me from moving forward.

Naramdaman ko ang pagtayo niya at pagyakap sa akin, mahigpit.

I wanted to push him away, pero may kung ano sa akin na pumipigil na gawin 'yon.

"Can we stay like this for ten seconds? Stay still." Bumigat ang paghinga ko, pero ginawa ko rin. Nagbilang ako sa isip hanggang sa kusa na siyang bumitaw sa akin. He remained standing when I started to walk.

And what makes him weird is that... Hindi man lang nawala ang tingin niya sa kawalan.

Nang makalabas ako ay dumeretso muna ako sa kwarto niya. Sana lang ay hindi niya malaman. Mukhang wala naman siyang balak na umalis sa office. Nagmadali akong pumasok sa shower room. Kwarto lang niya kasi ang bukas kaya ito na lang ang pinili ko. Mabilis kong hinubad ang mga damit at agad na pinailalim ang katawan sa malamig na tubig. I rinsed myself, soaping every inch of my body. Trying to picture everything that happened in his office.

I was almost carried away a while ago, kung hindi ko lang naalala ang plano ko. I won't deny that I enjoyed it, but not a hundred percent. The thought that he's with Amari... Na baka pumupunta iyon dito pagkakatapos ng out ko. Since hanggang alas dos lang ako ay para nang hinahalukay ang sikmura ko sa inis.

After taking a quick shower, I take time to dry myself and wear my clothes again. Pagkalabas ko'y papatayin ko na rin sana ang ilaw sa buong kwarto ng biglang may natumba malapit sa pinto, and that was a... cane?

Pupulutin ko na sana ito, habang nagtataka ng makarinig ako ng tunog ng door bell. Imbes na titigan pa ang cane ay mabilis ko na lang itong binalik sa pagkakasandal at nagmadaling bumaba.

After ma-receive ang in-order na pagkain ay kaagad na akong tumungo sa kusina to get some plates and utensils, pati na rin ng tubig at baso bago tumungo sa opisina ni Hunter.

Habang naglalakad patungo roon ay bumalik sa alaala ko ang cane.

Bakit mayroon siya noon? Wala naman siyang kasamang matanda rito para gumamit ng tungkod.

Kunot-noong pumasok ako sa opisina at naabutan si Hunter na nakikinig ulit sa kaniyang phone.

Inilapag ko lang ang mga pagkain at kaagad naman niyang inalis ang earbuds na nasa tenga niya.

Advertisement

"Hunter..."

"Hmm?"

"May hindi ako naiintindihan dito..." napansin kong napatuwid siya ng upo. While I remained standing... Wala talaga akong hawak na kahit ano.

"Alin? Saan? Akin na, I'll explain it to you."

"Here," mahina na sabi ko, wala pa rin siyang pagkilos na ginagawa but he raised his hand. Tila may inaabot and that made me stepped back a little. Kumunot lalo ang noo ko, kung hindi lang may tumawag sa kaniya.

What the hell is that?

Wala sa sarili akong inayos ang kakainin namin, nanatili akong tahimik habang may kausap siya hanggang sa binalik niya na rin ang attention sa akin.

"Kumain ka na," Utos ko na kaagad niyang sinunod.

Alam kong wala sa plano, pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ginusto kong panoorin siyang kumain? Maybe out of curiosity? May gusto lang akong malaman... O patunayan? I don't know.

Tahikim siyang kumakain, ngunit mabagal. Tila tantiyado ang mga galaw niya. Sa irita ay kaagad kong kinuha ang kutsara mula sa kamay niya na halatang kinagulat niya.

"Dimaria?"

"Gusto kitang subuan... Pwede ko bang gawin?"

"Bakit? I can eat."

"So? Gusto lang kitang subuan... Ayaw mo ba?" natahimik siya at nagbaba ng tingin.

"Gusto... Shempre." hindi ko alam kung bakit may kumikirot sa dibdib ko habang sinusubuan siya pero hindu ko 'yon pinansin.

Some hunches are forming inside my head, I was bombarded by questions about him, and it makes my head spin. Confusion, curiosity, they're trying to swallow me whole.

"Hunter..."

"Hmm?" He answered, chewing.

"Hanggang alas dos lang ako rito."

"Yeah, I know."

"Nag t-trabaho ka pa rin ba, after?" umiling siya.

"Natutulog ako."

"Can we... you know... Go out? Nahihiya akong ayain ka... Pero... If walang magagalit... Gusto ko lang tayo magkausap." Natigilan siya.

Mukhang nag-iisip. I can see his fear, hindi ko alam kung para saan.

"We can talk here."

"You've been here. Bakit ayaw mo lumabas paminsan-minsan? Hindi tama na kinukulong mo sarili mo rito."

"Dim... I can't." Kita ko ang pagdaan ng pagmamakaawa sa boses n'ya. I caress his face, and that makes his body tense up.

"Please," nang sandaling bumuntong hininga siya at pumikit... I knew I'd won.

Matapos kumain, ay nagpaalam s'yang mag s-shower at magbibihis muna para mamaya, ay aalis na lang kami. Naiwan ako sa loob kasama ang phone niya.

Wala naman akong planong pakialaman 'yon ng bigla 'yong umilaw. Kaya kinuha ko na and what I've found just makes me more damn curious.

A voice message from Zyc.

Puro voice message. Kahit ang mga reply ni Hunter.

I tapped the recent voice message that Zyc sent to Hunter.

"Hunter, mamayang three. Bibisita ulit tayo sa psychiatrist mo."

Advertisement

Hunter sent a voice message, kanina lang 'yon... Siguro'y noong ihatid ko sa kusina ang mga kinainan namin.

"Hindi ako pwede ngayon, may puputahan kami ni Dimaria. Bukas na lang."

Nanginig ang kamay ko matapos marinig iyon.

Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod na reply ni Zyc at piniling ibaba na lang phone ni Hunter.

Ano naman ang gagawin nila sa psychiatrist?

Mayamaya lang ay dumating na rin si Hunter at tahimik kaming nagtrabahong dalawa.

Nang pumatak ang alas dos, ay nagsimula na akong iligpit ang gamit namin. Hunter looks uncertain of moving, pero tahimik din siyang gumalaw.

"Aren't we going to use your car?" I asked. Muli siyang natigilan at lihim na nataranta.

"Ako mag d-drive, assistant mo ako 'di ba? Hindi ko kasi nadala ang kotse ko."

"Nasa... drawer 'yong susi." Kinuha ko naman agad at hinawakan siya sa braso para hilahin pababa hanggang sa mapasakay ko siya sa kotse niya.

I started the engine and drove away. Hindi ko alam kung saan siya dadalahin pero pinili kong sa matao.

Mukhang ayaw pa niyang lumabas noong una ngunit napilit ko rin siya.

Pinagsalikop ko ang kamay namin dalawa at sinubukan siyang hilahin pero nanatili siyang matigas na nakatayo roon. Kumunot ang noo ko at binalikan siya ng tingin. He became guarded. Nanigas na lang siya roon na tila ba'y may kinakatakutan siyang bagay kaya ayaw niya umalis.

"Hunter?"

"Dim, uwi na lang tayo... Please?" sa pagkakasabi niya noo'y para siyang naiiyak. It amazed me. Hindi ganito ang Hunter na kilala ko. Halos konti na lang ay tila magmamakaawa na siya sa akin.

"Hunter... Andito na tayo, ayoko pang bumalik... Ngayon na nga lang tayo nagkasama. Gusto ko lang mag-usap tayo doon sa coffee shop. Saka para makalabas ka rin."

"We can talk about it inside my house. Or sa g-garden."

"Please, Hunter? 'Di ba kasasabi mo lang na mahal ko ako? Gusto ko marinig ang side mo... Ang kwento mo... Please." Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba o may tumulong luha sa mata niya na kaagad ding nawala ng tumango siya.

Hindi ko na iyon pinansin at sinubukan siyang hilahin hanggang sa tuluyan na siyang gumalaw at sumunod.

Sa kalagitnaan ng paghila ko sa kaniya, sinadya kong bitawan siya sa gitna ng mga taong nagmamadaling dumaan.

I took a few steps away from him. I watched him.

Nagpalingon-lingon siya pero hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya. People are passing, may ilang nabubunggo siya dahilan para mapaatras siya sa kinatatayuan ngunit wala siyang ginagawa upang makalayo.

Noong una'y wala pa akong reaction, ngunit ang mga kamay na nakahalukipkip ay unti-unting bumagsak ng magsimula siyang hanapin at tawagin ako.

He kept on calling my name, titling his head side to side, lumilingon din siya sa likod niya at sa harap bago susubok lumakad pero kaagad siyang napapaatras. I can see from here how his lips trembled, pati ang kamay niya... Kitang kita kong nanginginig sa kaba at takot.

Halos mapasinghap ako at manigas sa gulat ng pilit siyang maglakad pasulong. It was a pedestrian lane. Nanlaki ang mata ko at nagsimula nang humakbang ngunit napahinto rin ng may batang humawak sa kamay niya upang pigilan siya.

The kid seemed to be telling him something, still holding his hand, and Hunter just nodded his head. The kid waited until it was time for the people to cross the road at napatakip ako sa bibig ng makitang inaalalayan siya no'ng bata patawid.

My breathing becomes rough. I confirmed something I shouldn't have. Bumigat ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Para saan? Bakit ang sakit ng nararamdaman ko?

Bakit? Bakit ganito?

Matagumpay silang nakatawid. Habang nasa tapat nila ako at umiiyak.

Inalalayan si Hunter ng bata na makaupo sa waiting shed. May sinabi pa ito bago tuluyang umalis.

Hinintay kong tumigil ulit ang mga sasakyan bago tahimik na tinawid ang kalsada at naglakad hanggang sa makarating sa harapan ni Hunter. He was just staring at nowhere. Kahit nasa harapan niya ako feeling ko tumatagos 'yon sa akin.

Dapat unang kita ko pa lang sa kaniya sa garden, na-realize ko na kung bakit. Bakit hindi niya ako nakilala agad... Kung bakit tila nagulat siya ng magpakilala ako.

"Hunter..."

His tears fell. Tipid siyang ngumiti.

"Hindi ko inaasahan na lalapit ka na, inaasahan kong aalis ka na lang matapos mong makita." Alam niya. Alam niyang pinapanood ko lang siya mula pa kanina?

Mas lalong dumoble ang luha ko.

Why?

I don't know what to say. Naghahalo na ang mga emosyon ko.

I want to say sorry, pero wala akong maisabi. Walang lumalabas na boses sa bibig ko.

"Ngayong alam mo na... wala nang rason pa para hayaan kitang magtrabaho sa akin. Alam kong galit ka, marami akong nagawa noon sa 'yo, hindi ko hihilingin ang kapatawaran mo. Mabuhay ka Dimaria. Kasama ang mga taong makakapagpasaya sa 'yo at hiling kong sana, magawa ng puso at isip mong kalimutan na minsan nakilala mo ako. Kasabay ng paglimot sa lahat ng sakit na dinulot ko sa 'yo."

Marahan siyang tumayo sa harapan ko. He reached for my face, pero hindi iyon umabot. Bago pa man ako makapagsalita ay may huminto nang kotse sa harapan namin, bumaba si Zyc at dinaluhan si Hunter.

Zyc looks furious. Nang bumaling ito sa akin ay napailing lang ito at mabilis nang inalalayan si Hunter papasok sa kotse niya at kaagad na nagmaneho paalis.

It was clear to me now.

Hunter is blind.

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click