《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 26

Advertisement

Matapos ihatid si Tremor at Diana sa airport, ay dumeretso ako sa kompanya ni Hunter para idaan ang mga dokumentong napirmahan niya.

Naabutan ko si Mr. Marcy sa opisina niya na kaagad naman akong sinalubong pagkapasok ko, para kunin ang mga dokumento na natitiyak kong naitawag na ni Hunter sa kaniya.

Paalis na sana ito, ng bigla ako nitong pigilan.

"Don't ever do such things na makakapagpahirap sa kaniya. As much as possible, help him sa mga gawain." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko hindi na lang assistant ang trabaho ko? Bukod sa personal nurse? Ano pa ba ang gusto nilang gawin ko? Maging personal maid niya?

Tumango na lang ako at nagpaalam nang aalis. Mabilis lang akong nakarating sa bahay ni Hunter. Tulad nang pagdating ko kahapon ay tahimik at madilim ang buong bahay.

Tumungo ako sa home office niya pero hindi ko siya nakita. I put down my things first when I felt my throat going dry. Baka nasa kwarto pa niya siya, or tulog pa...bumaba na muna ako para tumungo sa kusina to get myself a drink.

Pagkapasok ko pa lang ay kaagad ko nang kinapa ang switch to turn the lights on, when something or someone rather bump into me, from behind.

Napasinghap pa ako ng mapayakap siya bigla sa bandang tiyan ko, out of shock. What the fuck?

"D-Dimaria?" mabilis kong binuksan ang ilaw ng makabawi at kumawala sa kaniya. Kaagad ko siyang hinarap, ngunit tulad kahapon, nakaharap man siya sa direksyon ko ay lumalagpas pa rin akin ang tingin niya.

"Bakit ba kasi hindi ka nag-iilaw dito sa bahay mo?! Ang dilim tuloy! " bulyaw ko, pansamantalang nakalimutan na naririto ako bilang assistant niya at hindi bisita o kung sino man na may karapatang sigawan o bulyawan siya.

"Sorry..." I was stunned for a moment. Napatitig ako sa kaniya ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha niya. He was just wearing a cotton shirt and shorts. Magulo ang buhok ngunit nanunuot sa ilong ko ang panlalaki niyang pabango at natural na amoy ng katawan niya. It was too captivating and addicting. Sobra-sobra ang self control na ginagawa ko upang hindi tuluyang mahulog sa nakakaakit niyang amoy. Goddamit!

"S-Sorry din Mr. Martinez, nagulat lang ako..." kahit na nasabi ko iyon, ay nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Hindi ako makakilos at hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya na wala ring ginagawang pagkilos.

"Mauuna na ako sa home office mo, marami pa hong trabaho na naiwan doon," Tumango naman siya at bahagyang gumilid para makadaan ako. Matapos ko siyang lagpasan ay huminto ako hindi kalayuan sa kaniya at lumingon.

Advertisement

Nanatili siyang nakatayo kung nasaan siya kanina at hindi pa rin kumikilos. I find it weird again. Bakit ba kakaiba ang mga inaakto niya simula kahapon? Nakakainis iyon pero nakakaintriga rin. Marami akong nakikitang nagbago sa kaniya, at dahil doon ay naaantala ang pakay ko rito.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang presensya niya. Tahimik siyang naupo at nagsimula nanaman makinig ng kung ano. Hinayaan ko na lang dahil parte pa rin iyon ng trabaho niya bilang CEO, kahit pa naririto siya sa lungga niya.

'Di kalauna'y nakarinig ako ng door bell sa baba. Napansin kong nakuha rin nito ang attention ni Hunter kaya tumayo na ako.

"I'll go check it out." Mahinang sabi ko sapat para marinig niya.

Nagmadali akong bumaba at tinungo ang front door. Pagkabukas na pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang lalaki na hindi ko kilala.

"Who are you?" he eyed me from head to toe. He's wearing specs, nakasuot siya ng corporate attire.

"I'm Zyc. I'm here for Hunter. Is he busy?"

"Yes, may I know if you are related to him?" I suspiciously asked, his eyes pierced on my face while fixing himself.

"I'm his friend. Anyway, how about you? Who are you? His new assistant? Or wife?" nanliit ang mata ko ng may dumaang mapanuksong tingin sa mga mata niya na agad namang nawala.

"His new assistant." Mabili at matigas na sagot ko bago gumilid para tuluyan siyang makapasok. I locked the door first at nagpatiuna to guide him upstairs until we reached Hunter's home office.

"Mr. Martinez, Zyc is here."

"Mr. Martinez?" Zyc repeated, amusement all over his voice and face. Mahina pa siyang natawa at nailing kaya sumimangot ako.

"Zyc." Hunter faced Zyc's direction.

"Man, ang tagal kong hindi nakabisita sa 'yo."

Hunter looked in my direction.

"Can you make us a cup of coffee, Dimaria?"

"Okay." sinulyapan ko pa si Zyc na may naglalarong ngisi sa mga labi at tumango pa sa akin bago mahinang natawa. What's wrong with him!?

Hindi kaya alam niya na dati akong asawa ng kaibigan niya? Of course, Dimmy, they're friends. Talagang may alam siya!

Nakasimangot akong nagtimpla ng kaoe bago mabilis na bumalik, ngunit malapit na ako sa mismong pintuan ng mapahinto dahil sa pinag-uusapan nila. I got curious.

"Tomorrow's her death anniversary. Any plans? Alam ko naman na hindi ka makakapunta. Halos mag-aapat na taon mo na rin siyang hindi nabibisita." Seryosong tanong ni Zyc kay Hunter na tulala lang.

"I have loads of work and you know I can't visit her, but I want to."

Advertisement

"So, bibili na lang ako ulit ng bouquet and candles, tulad dati? Ako na labg dadalaw sa puntod niya on behalf of you?" hindi sumagot ng oo si Hunter pero hindi rin naman siya nagsabi ng hindi.

At that moment, nawalan ako ng lakas na pumasok at abalahin ang pag-uusap nila. Nanatili lang akong nakatayo roon, at lihim na nakikinig, hindi alintana ang pangangalay ng braso at kamay kong nakahawak sa tray kung nasaan ang dalawang tasa ng kape.

"Hunter, I think it's the time to move on and let Amber go."

"Zyc..."

"Ilang taon na siyang wala. Huwag mo nang ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Free yourself man. Natitiyak kong ito rin ang gusto ni Amber for you. I know my cousin. Kung naririto siya, she will tell you the same thing." hindi muling sumagot si Hunter at nanatili siyang nakatingin sa kawalan. Humigpit ang hawak ko sa tray ng makaramdam ng kakaibang kirot sa dibdib.

"It's my fault. I caused her that. I killed her. Ako ang dahilan kung bakit siya nawala. She could have lived her life freely and peacefully. Siguro kung hindi niya ako nakilala, o kung pinakawalan ko na siya, baka masaya na siya ngayon kasama ng asawa at anak niya sa California. Hindi sana siya mawawala."

"Here we go again. Stop blaming yourself, man. Walang may gusto sa nangyari. Hindi mo 'yon kasalanan. Mahal na mahal mo si Amber, noon. Kaya nga botong boto ako sa 'yo at sa relasyon niyo kasi alam kong magiging mabuti kang asawa sa kaniya...it's just that fate became cruel to the both of you."

Mahal pa niya si Amber hanggang ngayon. Iyon ang malinaw sa akin, mula sa mga narinig ko.

Mas dumoble lang ang galit ko sa kaniya. Hindi niya talaga ako minahal. He faked his love so he could get his revenge. Tapos na kaya siya? Nakuha na kaya niya ang gusto niya? Nakapaghiganti na ba siya kay Damon? Sapat na ba lahat ng nangyari sa akin para mabayaran ang kasalanan ng kuya ko sa kaniya?!

Hunter chuckled, painfully.

"How about your ex-wife? Siya 'yon 'di ba? 'Yong new assistant mo?" My body went stiff. Napaayos ako ng tayo at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba.

"Yeah."

"Alam niya ba?"

"She doesn't need to know."

"Bakit? Dapat niyang malaman Hunt. Mahal na mahal mo siya 'di ba?" Lies! That can't be true! Mahal pa rin niya si Amber!

"She doesn't need to know Zyc. Okay na ako na galit siya sa akin. She has to. I want her to hate me for the rest of my life."

"You really have no plan on chasing her and begged for her forgiveness? Man, you are being too hard on yourself." Hunter looked down.

"No. I won't do that. I made her mad at me. I made her despise me. Sinaktan ko siya ng sobra. Wala akong magandang rason na maibibigay. Hindi katanggap tanggap kaya wala akong karapatang humingi ng tawad. Hiningi lang 'yon sa bagay na hindi mo sinasadyang gawin, Zyc. 'Yong ginawa ko sa kaniya, kahit deep inside me I was hurting and crying too, the fact that I was still pursuing it and continuously inflicting pain on her. I don't deserve anything from her, love? Care? And forgiveness? I don't deserve it all."

What are you talking about, Hunter?!

Umahon ang galit ko sa narinig mula sa kaniya. Hindi ko alam kung alin o saang parte ako nagagalit.

He should beg! He should cry and kneel! He should ask for my forgiveness! He should chase me! Dapat maranasan niya kung gaano niya ako nasaktan noon.

"And you didn't even let her know, kung saan ka nanggaling noong halos ilang buwan kang nawala. Man, I don't know what to do with you anymore. Sinasaktan at pinahihirapan mo ang sarili mo, idamay mo pa 'yang ma—" I stepped in.

Ayoko nang makarinig pa ng mga susunod. Napupuno na ako at baka bigla na lang akong magwala rito ng wala sa plano.

"Sorry, nag-cr pa ako. Here's your coffee." Patay-malisyang inilapag ko ang tasa ng kape sa harapan nilang dalawa. Naramdaman ko pa ang pagsunod ni Zyc ng tingin sa bawat kilos ko at pagkatapos ay tinabi ko muna ang tray bago bumalik sa harapan ng mga ginagawa ko.

Napansin kong naging awkward na for Zyc to talk and continue what they were talking about earlier, so he didn't bring back the topic and cleared his throat instead.

We'll have a board meeting next week, and they're expecting you to attend this time. Nawawalan na ako ng masasabi. Makakapunta ka ba? Kung hindi ako na ulit ang bahala.

"Napansin kong natigilan si Hunter, pero mayamaya ay bumalik din siya sa paglalaro ng ballpen sa kaniyang kamay pagkatapos ay marahan 'ying inilapag at maingat na kinapa ang tasa ng kape.

"I'll go."

"You sure?"

"Yeah."

"Sasamahan mo ba siya? Miss Dimaria" Baling sa akin ni Zyc, kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.

Nagpalit-palit muna ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Of course, I am his assistant."

Zyc automatically looked in Hunter's direction before his lips formed a curve.

"Good. He actually needed you the most. "

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click