《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 23

Advertisement

Kaagad na umahon ang kagustuhan kong matupad ang plano, nang sandaling mabuksan ko ang front door ng bahay niya.

The familiar scent lingers inside my nose. Bumulaga sa akin ang malinis at maayos na mga gamit ng bahay. Parang walang nagbago, na parang mayroon. Hindi ko maipaliwanag.

Sandali pa akong nagmasid bago piniling maglakad ng tuluyan papasok. I wonder where his men are? Apat na taon na rin. Si Jock? Si Lester... nasaan na kaya sila? Are they still working for him?

I don't know if I should even care about it?

Now, where is he? His library? O baka may bago na siyang opisina? Wala man lang kasing naghatid sa akin kaya kinailangan ko tuloy libutin ang buong bahay. Hanggang sa makarating ako sa likurang bahagi kung saan naroroon ang... hardin?

Kailan pa siya nagkaroon ng garden dito?

I held my head high as I walked out, roaming my eyes. The garden brought a relaxing feeling. Hanggang sa ang paghakbang ko'y napahinto ng mapadako ang tingin ko sa lalaking nakatayo at nakatalikod mula sa akin. I notice a circular table, may nakahanda roon ang isang bote ng champagne at dalawang champagne glass.

The corners of my lips rose as I walked towards him.

I want him to see me, like I was the ghost in his past. I wanted him to see me, like I'd never loved him. Gusto kong makita niya kung gaano na ako ka-ayos.

"Mr. Martinez... pleasure to meet you. Sorry, I made you wait." I tried my very best not to sound sarcastic.

Hinintay ko ang magiging reaksyon niya pagharap. I even watched how his body moved, but it was too smooth and modest. Marahan siyang humarap sa direksyon ko at sa nakaraang apat na taon ay nasilayan kong muli ang mukha niya ng malapitan. Our eyes met, but something about it doesn't excite me.

I feel so disappointed when he look at me, the same way that he did before...or maybe it got worse now. His dull, lifeless eyes stare blankly at me. Marahan siyang naglakad paupo sa upuan at imwenestra niya ang katapat.

"Have a seat." I stop myself from rolling my eyes and choose to sit down in front of him. Tahimik na sumunod ang mga mata niya sa direksyon ko at tinitigan akong muli sa mga mata. I prepared for this. I had to maintain eye contact with him and I made myself strong to resist.

Tahimik siyang gumalaw at mahigpit na hinawakan ang bote ng champagne, bago sinalinan ang dalawang hindi pa gamit na baso, at sa mga sandaling iyon ay nanatili kaming tahimik.

His brows shot up as he lifted his gaze back at my face. I find it odd and unsatisfying. It wasn't the reaction nor the emotion that I wanted. I want him shocked. I want to see a kind of reaction on his face, like he saw a ghost. I wanted him to stutter and didn't know how to face me or talk to me.

Advertisement

Pero sino nga ba ang niloko ko... this man... will never give me a satisfying view.

"What's your name? Age? Marcy told me about your qualifications." kumunot nanaman ulit ang noo ko at naiinis na. Ako dapat ang umakto na parang hindi siya kilala! This is bullshit!

"Dimaria Rushwood, and I am thirty-years old, Mr. Martinez." bigla niyang nabitawan ang baso na kaagad nabasag. Ang kaninang nabuburyo kong sistema ay napalitan ng galak sa nangyari.

Finally! Nakita ko rin ang gusto kong makita pero...

Muling nawala ang ngisi ko, at napaisip ngunit nawala rin doon ng makita ko siyang tahimik na nililinis ang nabasag niya. I even saw cuts on his hand, pero mukhang wala siyang pakialam at piniling itago iyon sa ilalim ng mesa kung saan hindi ko makikita.

Muli siyang tumingin sa akin, pero wala pa rin ang gulat na dapat katambal ng pagkabitaw niya sa baso kanina.

Pinaglalaruan niya ba ako?

Umaakto talaga siya na hindi ako kilala! This punk!

"I see."

Umiwas na siya ng tingin at binaba na 'yon, kaya nakaramdam na ako ng hindi pagiging komportable sa harapan niya.

"So may I ask what's my first task, Mr. Martinez? Marcy told me, I only have four hours to stay here, so dapat walang nasasayang na oras."

"In my office..." tumayo na siya at nasulyapan ko pa ang dumudugo niyang palad ngunit wala naman akong pakialam. I just stood after him and followed him inside. Habang pinagmamasdan ko siyang maglakad ay pakiramdam ko napaka-stiff ng katawan niya at konting dikit lang sa kaniya ang ibang gamit ay para na siyang natataranta. Not actually that he'll jump or what... para lang siyang nagugulat at nagiging alerto. Ngunit hinayaan ko na lang ulit 'yon.

Ang hindi ko lang maiwasang hindi isipin ay ang pakiramdam na tila...may hindi tama.

Something is missing with him, I can't point out.

Pinanood ko siyang hawakan ang door knob at marahang pinihit iyon hanggang sa tuluyan niyang mabuksan ang pinto at makapasok kami.

The room was a little bit dark, and that made me wrinkle my forehead.

"Bakit madilim?"

"You can turn the light on. I forgot." hindi na ako nagsalita at binuhay na alng ang ilaw habang siyang dumeretso sa isang sulok kung saan may nakakabit na first aid kita. He took his alcohol, cotton, and bandage. Pinabayaan ko lang siyang gamutin ang sarili at pinasadahan na lang ng tingin ang mga papeles. May nga pirma na niya iyon.

"As you can see, may mga folder d'yan na naglalaman ng mga importanteng dokumento, na kailangan ng iba't ibang department. Napirmahan ko na 'yan so tomorrow bago ka pumunta rito ay idaan mo muna ang mga 'yan sa office."

"Noted, Mr. Martinez."

Tinapos niya ang ginagawa at bumalik sa kaniyang swivel chair. He took something out at pinatong sa mesa niya malapit sa akin.

"Read these papers, kapag na-check mo na at okay lahat... pipirmahan ko na...those are contracts and confidential. Tayong dalawa lang ang nakakaalam ng laman niyan. You're my assistant slash secretary... dapat mapagkakatiwalaan kita."

Advertisement

"Oo naman, hindi naman mahirap gawin iyon Mr. Martinez." napaangat siya ng tingin ngunit hindi nagsalubong ang mga mata namin.

"Good to hear that. You can now start."

Bago ako magsimula ay sinulyapan ko lang siya at nakita kong nagsuot siya ng wireless earbuds at may pinindot sa kaniyang phone.

He was staring blankly at nowhere as if he's listening to something, paminsan-minsan siyang tumatango at nagsasalita and that's when I realized he was probably talking to someone or baka may meeting na nagaganap.

At that moment, may isang tanong na pumasok sa isip ko.

Bakit hindi na siya madalas pumasok sa opisina niya at nanatili na lang magtrabaho rito?

Hindi dapat iyon ang iniisip ko kaya pinili kong alisin sa isip ang katanungan na 'yon.

I am here to make him pay. Hahanap ako ng pagkakataon, mas maganda sana kung aabutan kami ni Amari, pero mukhang malabo pa sa ngayon. Kailangan ko munang kunin ang tiwala ni Hunter.

Para sa susunod, masisiguro kong wala siyang kinabukasan na naghihintay sa kaniya.

Mayamaya lang ay natapos na siya sa pakikipag-usap kaya akala ko'y ibaba na niya ang suot na earbuds. Pero mayroon ulit siyang pinindot and this time, he wasn't talking anymore. He was just listening.

Nawala lang ang attention ko sa kaniya ng tumunog ang phone ko at nakatanggap ng message mula kay Marcy.

From: Mr. Marcy

12 NN, your task is to cook for his lunch, kung hindi naman padeliver ka na lang. Make sure hindi siya malilipasan and tell him to not forget to drink his med. As for his assistant, kasama na sa trabaho mo 'yon dahil wala siyang ibang kasama d'yan. Thanks!

Kumunot ang noo ko, so personal nurse rin pala niya ako? How ironic.

Napailing na lang ako at tiningnan ang oras. Mayamaya lang ay tila mayroon nanaman siyang kausap but this time I can hear irritation on his voice.

"Then let him! Hindi naman ako manghihinuyo sa kaniya, kung ayaw niya then fuck off! Humanap ka ng iba!" He raked his fingers through his hair out of frustration. Ngumisi ako at umiling bago tiningnan ang oras. Ayoko siyang ipagluto dahil baka makalimot ako at malagyan ko ng lason, maging kriminal pa ako.

Hindi ko rin balak ipaalala sa kaniya kung ano ang gamot na 'yon, dahil unang-una... ayokong maging personal nurse niya at wala ako rito para alagaan siya. I'm here to make him pay, to find out what's going on in his life, and to laugh at his demise.

I am here to ruin, not to fix. I am Dimaria, after all.

At tulad ni Maleficent. Biktima lang din ako ng isang pekeng pagmamahal. Sinaktan at niloko ng lalaking minahal namin.

We lost our lives; she lost her wings; I lost my child. And we were both engulfed by darkness and greed in order to take what we believed we deserved.

I was lurched back into reality when I heard a loud sound. Naabutan ko na lang ay si Hunter na nasa sahig at sapo ang ulo, na tila tumama sa kung saan. He was groaning and cursing in pain. I didn't see what happened, but I laughed silently.

Kailan pa naging lampa 'to?

Pigil ang tawa na sinilip ko pa siya lalo.

"Mr. Martinez, are you alright?" sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para hindi matawa at magtunog concerned sa kaniya kahit ang totoo ay humahalakhak na ako ng tahimik. He didn't say anything and just pushed himself up. Iika-ika siyang bumalik sa kaniyang upuan, sapo pa rin ang namumula niyang noo. Nawala ang ngisi ko ng makitang may dugo roon na tila wala naman siyang pakialam.

I swallowed hard and looked away.

Hindi ba niya ramdam?

"Shit!" napaangat agad ako ng tingin ng marinig siyang mapamura and I saw his blood on the papers, nakapa niya iyon kaya agad siyang tumayo at tumungo sa first aid kit. Kanina 'yong baso... ngayon... what the hell is happening?

Hindi ko na lang ulit siya pinansin na kahit may parte sa akin, na gusto siyang tulungan as his secretary, but no... he doesn't deserve my help.

"Miss Rushwood... " I heard him call my name, so I looked at him.

"Mr. Martinez? Bakit po?"

"Can you look for my ointment in my room? It wasn't here." his ointment? 'Di ba dapat nasa first aid kit lang 'yon?

Napailing na lang ako at sumunod. Kabisado ko pa ang pasikot sikot sa bahay kaya natunton ko agad ang kwarto niya, nang buksan ko ang pinto ay napangiwi ako ng makitang...napakadilim doon. Wala ba siyang balak ilawan 'to? Hindi naman siya umaalis ng bahay.

Nang buksan ko iyon ay hindi ko maiwasang mamangha dahil malinis ang kwarto niya at kahit ang kama ay walang kagusot-gusot. Hinanap ko ang ointment na sinasabi niya at nakuha ko iyon sa kaniyang drawer.

Pagkatapos ay pinili ko nang bumalik sa opisina at naabutan ko siyang nakaupo sa desk niya at nakatulala sa kawalan.

Kahit nakalapit na ako ay hindi pa rin siya kumikibo, tila malalim ang iniisip. I even tried to wave my hand in front of him, but he didn't even make a move.

"Mr. Martinez, andito na ang ointment niyo." Saka lamang siya lumingon sa akin at tinanggap ang inaabot ko. I shook my head after he looked away.

Isa sa napansin ko sa kaniya, nawala na siya sa focus. Hindi na siya tulad ng dating Hunter.

Paano nangyari 'yon? Hindi ko alam at wala na akong pakialam. Iniisip ko na lang, karma na niya iyon... sa lahat ng kagaguhan na ginawa niya.

Ngayon, I can see it before his eyes. He is suffering over something I have no idea about, and that's a victory to me.

Masaya akong makitang may pinagdurusahan siya... alam ko man kung ano 'yon o hindi.

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click