《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 22
Advertisement
"Madilim na sa labas."
Nilingon ko si Tremor na sinusuot ang kaniyang coat. Binalik ko ang tingin sa laptop ko at pinagpatuloy ang ginagawa nang maramdaman ko ang presensiya n'ya sa likuran ko. He reached for my cheek and kissed me before he watched what I was doing.
"Matagal ka pa ba? Baka nahihintay na 'yong mag-asawa." I narrowed my eyes first before I paused what I was doing and planned to continue it when we got home.
"Fine, are you sure darating sila? Ayaw kong maghintay."
"Yeah, kakatawag ko lang at naroroon na sila...kanina pa nila tayo hinihintay." tumango ako at tumayo na bago inayos ang mga gamit. Sabay kaming lumabas ni Tremor sa building hanggang sa marating namin ang parking lot kung nasaan ang kaniyang kotse.
"Kailan mo balak na lumabas sa harap ng camera?"
"I still have plans. Hindi nila dapat malaman na maayos ang buhay ko. I want to surprise them." ngumisi ako sa naisip. No one knows that I am okay. Walang nakakaalam ng kalagayan ko. Lahat ng tao rito sa kompanya ni Tremor ang alam ay nagtratrabaho lang ako para rito. Walang nakakaalam that I am more than just his employee.
"Paano ang kapatid mo?" natahimik ako. Nagkausap na kami ni Lucifer, we're fine. Ibinigay niya sa akin ang mansion kung saan kasalukuyan akong tumitira at ganoon din si Tremor. Next month, ay plano namin mag migrate sa US for some reason.
Nakarating kami sa lugar kung saan kami may kikitain na mag-asawa. Matunog akong naglakad papasok. I wore a gothic top with steampunk gears that went well with my all-black body-hugging dress and high heels.
Naka sunglasses din ako kahit gabi for some reason.
Kaagad naming nakita ang mag-asawa bago bumaba ang tingin ko sa karga ng babae.
Pansamantala akong nahinto... ngunit kaagad ding huminga at pinalakas ang sarili.
"Sila na 'yon, love." tumango ako at nauna ng umupo habang nakatitig naman sa akin ang ginang.
"Let's make this fast. Nag-order na ba kayo? Bago kayo umalis after ng pag-uusap natin, mag-dinner muna kayo." Napapasulyap ako sa batang inosenteng nakatitig sa akin. Nagkatinginan naman ang mag-asawa bago tumango.
"Maraming maraming salamat po sa inyo ma'am." I gave them a small smile. Pinagsalikop ko ang aking kamay at masinsinan silang tiningnan.
"Siguro naman ay nasabi na sa inyo ni Tremor ang ilang mga bagay na gusto kong malaman niyo, at sana'y malinaw iyon." tumango sila bilang pagsangayon at pagkumpirma na naintindihan nila. I flicked my tongue inside.
"Malinaw din sa inyo, na kapag nasa akin na siya, wala na kayong magiging habol. No matter what happens, the rights you have as her biological parents will vanish. I will have the full rights to her, bibihisan ko siya, ibibigay ko ang pangalan ko, aalagaan, pag-aaralin at ituturing ko siyang anak. Ang kapalit, hindi na kayo kailanman magpapakita sa akin... at tulad ng ipinangako ko, ibibigay ko pera... halagang naaayon sa napagkasunduan." nagkatinginan silang mag-asawa at ganoon din kami ni Tremor. He nodded at me and smiled a little as I nodded my head and faced the couple again. Marahan silang tumango at muling tiningnan ang kanilang anak ng maluhaluha. There's something inside me that crumpled. But I understand their situation, kaya nagawa nila ito. Hindi naman sila nagkamali ng pinili dahil tulad ng sinabi at ipinangako ko, aalagaan ko siya at ituturing kong tunay na anak. I won't let anyone harm her...I will treat her like a princess. She deserves it.
Advertisement
May ibinulong ang ginang sa bata matapos itong ibaba at inalalayan palapit sa kinaroroonan ko.
"A-Andito na po ang mga papeles niya...lahat ng importanteng papeles tungkol sa kaniya pati na rin ang original copies ng birthcertificate at PSA ay nariyan na rin." tumango ako at inabot ang ibinigay nilang folder sa akin bago pinasa kay Tremor na siya namang nagtabi noon. Kinarga ko si Dianara. Dianara Rushwood Dankworth. From now on, she's Diana, my daughter.
Magaan namang dumulog ito sa akin at tahimik na nagpabuhat. She's behaved, ngayon pa lang gusto ko na siya.
"Hello, Diana. I'm your new mommy. Aalagaan kita...pangako ko 'yan." Hindi ko mapigilang hindi siya halikan sa pisngi, nanatili siyang pinaglalaruan ang daliri bago nag-angat ng tingin sa akin at marahang hinaplos ng kaniyang kamay ang pisngi ko na kinatigil ko saglit bago unti-unting napangiti at nangilid ang mga luha.
Gosh... the feeling of being a mother... iyon ang isang bagay na inalis sa akin. Ang ipinagkait sa akin. I cleared my throat before lifting my head to the couple who were waiting for my next action. Kinuha ko ang cheke na nasa bag at pumiglas ng isa. I wrote the amount we agreed upon and signed it before putting the check near them. Kaagad namang tinanggap iyon ng ginang at nakita ko pa ang higpit ng hawak nito roon habang tumutulo ang luha at yumuko sa akin.
"M-Maraming maraming salamat ma'am" Marami pong salamat." tuluyan na siyang napahagulhol kaya naman inalo siya ng kaniyang asawa. Nilingon ko si Tremor na tahimik lang na nagmamasid.
"Hindi na kami magtatagal dahil gusto ko na ring magpahinga. Uulitin ko, sana malinaw ang napagkasunduan natin, sa oras na umalis ako rito...ayoko nang makita pa kayo. Sundin natin ang nasa kontrafa at mamuhay ng tahimik."
"O-Opo." tumayo na ako buhat si Diana, at inabot muna siya kay Tremor. Nagbaba ako ng cash para sa pambayad nila sa dinner as my treat.
"Order whatever you want for dinner, my treat."
"Thank you po ma'am," pagpapasalamat ng lalaki at napatayo pa bago ilang beses na yumuko. Tumango naman ako at kinuha na ang clutch ko bago sila tinalikuran. I signed Tremor to walk, because we're definitely leaving. Tahimik si Diana sa pagkakakarga ni Tremor. Mabuti na lang at hindi siya umiyak, o nagwala, bagkos ay nakatulog pa siya sa balikat ni Tremor. Marahan siyang ibinaba nito sa tabi ko sa backseat at siniguro ko naman na hindi ito nauuntog, minabuti kong sa akin siya nakaunan habang natutulog, bago nagsimulang buhayin ni Tremor ang makina ng kotse n'ya.
"Pwede naman tayong gumawa ng anak, Dim." nahimigan ko ang pagbibiro sa kaniyang boses kaya hindi ko na pinatulan.
"Just drive. I am tired Tremor."
"Yes, love!" tahimik kong pinukol ang tingin sa labas ng bintana hanggang sa marahan kong ipikit ang mga mata, at piliing haplusin ang umaalong kulay chokolate na buhok ni Diana. May kahabaan iyon at napakaganda sa pakiramdam habang hinahaplos ko. Napakaganda niyang bata. I promise I will be a good mother to her.
"You really love to take care of her?" sinalubong ko ang tingin ni Tremor mula sa review mirror.
"Yeah, kawawa naman siya. I am longing for my child, and this is the least I can do."
It's been four years since.
Apat na taong pagluluksa sa mga bagay na nawala sa akin. Ang anak ko. Ang puso ko. Ang sarili at layunin ko.
Advertisement
Apat na taon na rin akong gumagawa ng plano kung paano guguluhin ang buhay ng lalaking 'yon.
Four years ago, matapos kong operahan ar mabawi ang paningin ko, hindi pa rin ako nakaligtas sa depresyon. Hindi naging madali sa akin ang unang taon. Halos mabaliw ako sa kaiisip. I almost... took away my own life... again.
Mariin akong napapikit ng maalala lahat ng pinagdaanan ko noon.
My hand clenched.
"He's looking for an assistant," napatingin ako kay Tremor ng sabihin 'yon.
"Assistant."
"Hindi lang siya bastang assistant. Ilang taon nang nababalita na hindi na siya madalas pumasok sa kanyang kompanya. He preferred working from home, at halos Linggo-Linggo o Buwan-Buwan, nasisisante ang mga nagiging assistant niya. No one knows what happened, and now they're hiring again. naisip ko lang na baka may gusto kang gawin o maisingit sa plano mo?" hmm? Bakit?
Mukhang magandang oportunidad ang bagay na 'yan.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya at muling pumikit, hanggang sa makarating kami sa mansion.
For some reason, nagpalit kami ng tinitirahan ni Damon. He chose to stay at my house, habang dito naman niya ako pinatira.
Tremor took Diana out and carried her on his arm. Sinundan ko sila papasok hanggang sa kwartong pinaayos namin para kay Diana. He slowly laid her down, as she remained asleep peacefully.
"She's a beautiful, innocent girl." I whispered, and I felt Tremor's hug from behind. Hinayaan ko lang siya.
Our friendship remains stronger than before. Hindi niya ako iniwan. Two years ago, when he tried to ask me to be his girlfriend, pero hindi ako pumayag and ask a little more time. Ayoko na munang magkaroon kami ng relasyon habang hindi ko pa naisasagawa ang mga plano ko. I just told him to wait. Nangako rin naman ako sa kaniya dati...na hahayaan ko siya kapag wala na kami ng lalaking 'yon. Bibigyan ko ng pagkakataon si Tremor, lalo na't siya ang nakakasama ko. He was there in the darkest part of my life. He deserved the chance, but not now. Pero hindi maiiwasang umakto siya na parang kami at hinahayaan ko lang, we're not official pero roon din naman iyon patungo.
"I love you, love." He kisses my neck right on my jaw and I let him. I played with his hair on my fingers, feeling its softness before I bit my lower lip when his lips went up on my jaw.
"Not here, Tremor. Nandito ang anak ko." Anak ko. Ang sarap pala sa pakiramdam.
"Anak natin love, sooner or late papalitan na rin natin ang pangalan at apelyido niya. I will name her after me. At ikaw...magiging Mrs. David ka na." humalakhak ako at kumawala na sa yakap niya.
"I'm tired. Next time na lang natin tapusin ang naudlot..." kahit alam kong hindi naman kami aabot sa punto na 'yon. Hindi pa ako handa.
"Sure, sabi mo 'yan a! Alam mo naman, sa pagmamahal ko sa 'yo, isang kalabit ko lang bibigay ako."
"Kadiri." ngumiwi ako sa kaniya at nauna nang lumabas. Dumeretso ako sa kwarto ko at hinubad isa-isa ang damit bago piniling mag-shower. Cold water crashed through my skin, sending shivers through my system. Marahan kong pinasadahan ang buhok ng aking mga daliri, pushing it back. I part my lips letting some water inside my mouth na kaagad ko namang inilalabas at hihilamusan ang mukha pababa sa aking leeg at sa katawan ko.
Iba't ibang ideya at plano... pero isa lang ang layunin.
Marahan kong iminulat ang mga mata at hinayaang lunurin ang sarili sa tubig na unti-unting nawawala ang epekto ng lamig. I felt like burning, and it wasn't a fire of pleasure but a fire of my hatred.
Matapos kong mag-shower ay kaagad na akong nagsuot ng robe at nagpalit ng pajama set. Pinatuyo ko lang ang buhok ko at nagpasya nang matulog.
I woke up early and attended to Diana's needs since she's still adjusting to this house. Mabuti na lang may mga kasambahay akong idinagdag. Masunurin naman siyang bata at hindi talaga siya pasaway. Madali siyang pasunurin at hindi siya umiiyak ng umiiyak.
Balak kong umalis kaya binilin ko muna kay Tremor na intindihin si Diana. Agad naman itong sumunod pero nagsabi ito sa akin na sa susunod na Linggo ay aalis siya ng bansa. This was the migration we were planning, pero baka hindi ako makasama. Pauunahin ko na lang muna sila.
Dumeretso na ako sa pakay ko at hindi ko alam kung ilang beses akong nakipagtitigan sa nag-aasikaso ng bagay na 'yon. He even eyed me from head to toe.
I was wearing simple ripped pants and a plain gray shirt. Ang maiksi kong buhok ay pinuyod ko pa sa tuktok at nagsuot din ako ng specs.
"Name?"
"Dimaria Rushwood."
"Age?"
"Thirty," inayos pa niya ang salamin at pinasadahan ako muli ng tingin mula ulo hanggang paa. Umangat pa ang kilay nito.
"Resume?" inabot ko ang resume ko.
"So dalawang taon kang nag-work as executive secretary?" tumango ako.
"Graduate ka rin ng Office Management." Tumango ulit ako.
"May degree for Master of business administration," I nod again.
The truth is, I only have a degree in office management. Hindi rin ako umattend sa school pero may private instructor ako. May experience ako sa pagiging secretary dahil kay Tremor. Ang ilan d'yan ay pekeng dokumento lamang na pinagawa ko para sa ikaaayon ng plano ko.
"Mr. Martinez is not that easy to handle. He easily gets angry. He's elusive and unapproachable. He doesn't want to be with a talkative person. One more thing... do not interfere in his personal business."
"Okay, cool." tumango-tango ako at muli nanaman niya akong pinasadahan ng tingin. He's pissing me off big time.
"You only have 4 hours to stay inside his house. From ten in the morning to two o'clock, hindi kasama ang tweleve noon, which is lunch time. After two, you have to leave dahil rest hours na n'ya ang susunod."
"Noted, what about his family?" He suspiciously eyed me.
"He's single, not married. No child. No wife. No girlfriend. Pero kung balak mong akitin siya, umuwi ka na lang, he will surely chase you out of his house." gusto kong matawa sa sinabi niya.
"Don't worry, hindi naman ako interesado, may pakakasalan na ako." I said, and he nodded his head.
"Kung gano'n eto ang address at duplicate key, ikaw na bahala. Naitawag ko na sa kaniya na paparating na ang bago niyang assistant. He's expecting you today."
Tumango ako at tumalikod na matapos tanggapin ang susi, at isang ngisi ang pinakawalan ko.
Advertisement
- In Serial51 Chapters
Love on the Scale
When Christelle, a plus-sized girl with zero confidence, gets the opportunity to move out with her older brother (who's a model) and escape a home she's never felt comfortable in, she jumps for joy. But simply "moving out" turns into so much more. Suddenly she's thrust into a world filled with individuals whose job it is to be confident. Including Neil, a man who--for some crazy reason--is interested in her. She'll be forced to confront her insecurities head-on, along with her past demons, if she wants to make through unscathed.
8 232 - In Serial6 Chapters
Unrepentant Hopes (First Draft)
Removed from society due to his chronic illness and raised in a cabin in the woods, the Camarian child-prince Nathanael is dying. It is not long after he learns this, that he hears that he is a monster from the lips of his religious family. Devastated he will do anything to be accepted by his god and family again, including not fight an unjust fate. At the same time Royale’s second prince Drefan barely survives weeks of opium detox in his attempts to forget what has driven him into the northern deserts. In an escape from the belief that he too is a monster, who deserves to have that word etched into his skin. What does it truly mean to be a monster? Note: The main characters are LGBT. Deals with Drug Addiction and Abuse. Due to being a Full-Time Teacher I write and will update very slowly.
8 142 - In Serial71 Chapters
The backup Bride
" I would never be a second choice to anyone. If I need to compete with someone else for your love, I would gladly make it easier for you by taking myself out of the equation. But why am I here, ready to be your backup bride ? "__________________________________________Rajiv and Prerna ,the runaway couple promise to return to their family after four years. But, fate had other plans for them. They wound up in a police case and search for the perfect bride replacement. Aparna, Prena's younger sister jumps in to help the couple, agreeing to be in her sister's place and meet Rajiv's family. Everything goes well, till Shiva, Rajiv's brother starts digging the backstory of the imposter. Hop in for a South Indian story mixed with drama, romance and some non sense too, May not be a typical wattpad love story kinda relationship. #2 in South Indian - 31.3.2020#1 in intercaste - 25.8.2020#1 in South Indian - 9.4.2021#1 in Profession - 9.8.2021
8 199 - In Serial16 Chapters
My Best Friend Is Straight
•COMPLETED•After a long, boring night at a party, Lucas has to drag his wasted best friend home and try to sober him up before bed. What happens when Lucas wakes up in the middle of the night and can't move? What happens when his best friend does something unforgettable? What happens when his bully has ulterior motives?*TRIGGER WARNINGS* bullying, rape/non-con, assault, blood, smut (kinda, I suck at it)
8 139 - In Serial18 Chapters
Being Popular (GirlxGirl) [COMPLETE]
Mickie James has always led an easy life, well as easy a life as you can when you're trying to hide the fact that you're in love with you best friend. For Mickie, there is no better person in this world then her best friend Courtney Diamond. She has everything, the gorgeous looks, the winning smile, not to mention she just happens to be the most popular girl at school, and Mickie just can't help herself from falling in love with her. Though with her social status and knowledge that Courtney would never love her back, Mickie knows not to tell anyone that she just so happens to be gay. Sometimes, being popular comes at a price.
8 80 - In Serial33 Chapters
Stay [taekook FF]
When jungkook an introvert son of a single mom meets a reckless son of a mafia leader, the heartthrober Kim taehyung.....what would happen when the troublesome son of the mafia grow intrested in a innocent sweet boy like jungkook ??What would happen when taehyung finds out that the sweet innocent boy is hiding pain behind that pretty smile?A little preview : ---------------------------------------°•°•°•°•°Jungkook smiled and looked ahead."Thanks for trusting me ...."------°•°•°•°•°•°•°------"I asked something and don't even think of running away I won't let you go until you tell me what the fuck is going on!" ------°•°•°•°•°•°•°------"Tae.....can you.....kiss me...?" ----------------------------------------°•°•°•°•°This is a taekook fanfiction .! Contents !Rom-comMafia aucontents : boyXboy top: Tae bottom: Kookfluff : a little!⚠️ Warning ⚠️! angst 😈😈Attempted [email protected]Self harmsmut : average ( ͡° ͜ʖ ͡°)Violence/ action Mature languageThis is a mafia fanfiction so there will be possible deaths of characters so if anyone has a problem with it, I recommend not to read this English is my third language and also this is my first time writing so please ignore the mistakes ...(╥﹏╥) Started: 29 June 2021Finished: 14 September 2022Book no :- #1All rights reserved ©️yeontanismybias
8 161