《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 19

Advertisement

Ilang araw pa lang na wala si Hunter ay sobrang dami nang pumapasok sa isip ko. Isama pa ang paglala ng nararamdaman ko.

Madalas akong mahilo, at magsuka. Nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain at madalas ko pang nasisigawan si Lester na kaagad ko namang pinagsisisihan after.

"Maybe you need some fresh air. May gusto ka bang puntahan? Pwede kitang samahan." If only Kimmy or Tremor were here.

"Pwede ba tayong magpahangin? Kahit d'yan lang sa may papalabas ng Village."

"Sure..." Tahimik kaming lumabas at nagpasyang maglakad-lakad. It's already afternoon, at malapit nang lumubog ang araw.

It feels nice to walk in silence. Wala naman din sigurong balak magsalita si Lester kung hindi ako magtatanong sa kaniya, he really respect my silence and what I want.

Sinubukan kong tawagan ulit si Lucifer, pero hindi pa rin siya sumasagot. Marami siguro siyang inaasikaso o baka...bigla akong kinabahan.

Sana naman wala siyang problemang kinakaharap sa ngayon.

"Nagtratrabaho ka sa organization ni Hunter hindi ba?"

"Oo, bakit miss?" napayuko ako sa dinadaanan namin at pinanood ang mga paa kong marahang humahakbang.

"Makakaya mo bang alamin ang lokasyon ng isang tao? Kung asaan siya? Anong ginagawa niya?"

"Hindi ko kaya 'yan dahil wala akong masyadong alam sa computer pero 'yong kasamahan ko...magaling."

"Pwede ba akong humingi ng pabor?" napahinto siya at gano'n din ako. Marahan ko siyang tiningnan at mataman lang siyang nakatitig sa akin.

"Ano 'yon miss?"

"May isang tao akong gustong malaman kung nasaan, Tremor ang pangalan niya...Tremor Gyne David."

"Tremor?" kumunot ang noo niya at tila may naalala kaya napakunot din ang noo ko.

"Bakit?"

"Sa pagkakaalam ko nakausap siya ni Hunter... hindi ba siya 'yong modelo?"

"O-Oo..." bigla akong kinabahan.

"Bago siya umalis ay nag-usap sila ni Hunter. Wala akong alam kung ano ang pinag-usapan nila, pero matapos 'yon ay napanood ko ang balita at nalamang umalis na siya sa trabaho...at wala na rin siya rito sa bansa." I swallowed hard.

So Hunter has something to do with Tremor's disappearance?

"Wala ba siyang ginawa kay Tremor?" umiling si Lester.

"Wala naman, nag-usap lang sila." Ano kaya ang sinabi niya kay Tremor para umalis ito? Even Kimmy's not contacted me these past few days.

What the hell is happening?

"Miss? Bakit hindi mo na lang siya iwan? Ginagago ka na niya. Kahit boss ko si Hunter, hindi ko na gusto ang mga ginagawa niya ngayon. Malaki na ang ipinagbago niya kung hindi lang malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa kaniya ay matagal na rin akong umalis bilang tauhan niya."

"Mahal ko e."

"Hindi lahat ng pagmamahal ipinaglalaban miss. May pagmamahal na mas mabuting isuko na lang. Staying in a toxic relationship is not healthy. Marriage is intended to unite two hearts and two people who love each other, not to be used for vengeance or anything else. Hindi instrumento ang kasal para makaganti sa isang tao."

Advertisement

I know. Pero tanga ako para kumapit sa isang kasal na wala namang magandang idudulot.

Gusto ko lang, makasama at maramdamang akin siya sa pamamagitan ng kasal na ito. Kung hindi sana ako nahulog sa kaniya, magiging madali sa akin ang sinabi ni Lester.

Bumalik kami sa bahay matapos ng pag-uusap namin na 'yon. Nag-request din ako sa kaniya na magluto ng pagkain dahil nakakaramdam ako ng gutom.

Pasado alas sinco ng hapon ng makatanggap ako ng mensahe mula kay Fern. Ang detective na kaibigan ni Damon.

I gasped upon reading his message. Napalingon kaagad sa akin si Lester dahil sa reaction ko.

"Bakit miss?"

"Lester, ihatid mo ako sa hospital." hindi na siya nagtanong pa at sumunod na lang. He made sure to turn-off the stove and all the appliances before we left the house.

Halos hindi mapakalma ang panginginig ng kamay ko sa pag-aalala. I badly need to see him!

Nang makarating sa hospital na sinabi sa akin ni Fern ay nagmadali na akong lumabas ng kotse at lakad-takbo na pumasok sa hospital, sinalubong naman ako ni Meast at hinatid sa kwarto kung nasaan ang walang malay na si Lucifer. I shed tears seeing my brother, unconscious.

"W-What exactly happened?! Who did this to him?" Nilingon ko ang mga naroroon, Fern refused to talk, Rommel turned his gaze away from me... and Meast... sighed.

"Katherine..."

"W-What? W-Why?" I know she loves my brother! Bakit niya gagawin 'to?

"Katherine was the child of..." hindi niya maituloy ang sasabihin ngunit mukhang alam ko na.

Naaawa akong napatingin kay Damon at mariing hinawakan ang kamay nito.

The moment I touched him, unti-unting bumuhos ang mga luha ko.

I wanted to tell him everything... my pain, suffering, and all of my stupidity, but I knew I couldn't. Damon has his own dilemma. Hindi ko na dapat pang dagdagan iyon.

I know how much he loved Katherine. And I know it is too painful for him... at sigurado rin akong itatanggi niya 'yon paggising niya.

Umalis sila Meast to give me time. Kahit paano habang nakikita ko si Lucifer at nararamdaman ang presensya niya ay umaayos ng konti ang pakiramdam ko.

"What's wrong with our fate, brother? Binuhay lang ba tayo para pahirapan?" I laughed bitterly.

"Pinagbabayaran mo ang isang bagay na hindi mo ginawa, habang ako pinagbabayaran ang atraso mo na hindi ko naman alam kung totoo..." fresh tears fell on my face.

Pakiramdam ko, binuhay lang kami upang bayaran ang mga bagay na wala naman kaming kinalaman.

I grew up alone.

Hinahasa ang sarili na maging malakas.

Hindi ko alam na mababalewa lang pala iyon.

"Ano nang gagawin ko, kuya? Gustuhin ko mang tumigil alam kong hindi ko kaya...iisang beses pa lang ako nagmahal...at gano'n ka rin 'di ba? Pareho tayong nagmahal ng mga taong sinaktan lang tayo. Sana kay Meast na lang ako tuluyang nahulog...baka may pag-asa pa ako."

Advertisement

I don't know if he can hear me...pero gusto ko lang huminga. I just want to breathe all the pain I have, para magkaroon ulit ako ng lakas to continue.

Ang drama ko ba? I'm sure iyan ang sasabihin sa akin ni Damon or worst, baka hindi na ako pabalikin kay Hunter kaya susulitin ko na ngayong wala siyang malay.

I spent time telling him everything. Hanggang sa makatulog na lang ako.

Ginising ako ni Meast kinagabihan anf I even saw Lester. Napasinghap pa ako at nagalala na baka magsuntukan sila ni Meast pero mukhang balewala naman ang presensya niya kay Meast.

"Your friend brought food for you, kumain ka na...hindi ka pa raw kumakain." Tumango lang ako at nagpasalamat gano'n na rin kay Lester. Tahimik akong kumain, at umalis naman si Meast nang may tumawag sa kaniya.

"Magkamukha talaga kayo ni Damon."

"Medyo, pero kay daddy, kasi siya nagmana at ako naman kay mommy, kaya hindi mo talaga minsan mahahalata na magkapatid kami. I am even carrying our mom's maiden name."

I used Rushwood before, dahil na rin sa kagagawan ni Aunt. To hide me from Dad's enemies.

Nakilala ako ng mga tao bilang Dimaria Rushwood and no one even found out that I am a Dankworth. Tapos ngayon ay Martinez na ang dala ko dahil kay Hunter...speaking of which.

Hindi na talaga siya nagpadala ng messages sa akin.

Napansin kong may tinitingnan si Lester sa phone niya at napapasulyap sa akin. Nang mahuli ko naman siya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Hindi ko na lang 'yon pinansin at mas pinagpatuloy ang pagkain. I feel so hungry na halos mabulunan ako dahil sa laki ng mga sinusubo ko. Kailan pa noong huli akong kumain ng ganito kagana. Pakiramdam ko kulang ang pagkain na ito sa akin dahil sa sarap. I want more, pero nahihiya akong mag-request kay Lester, kaya ninamnam ko na lang ang mga 'yon.

Matapos kumain ay nagpaalam si Lester na may pupuntahan lang at sinabi ko naman na doon na lang ako magpapalipas ng gabi. Gusto ko kasing hintayin na magising si Lucifer at masigurong ayos na ito bago umuwi.

Hindi naman nagtagal ay nakatulog ako agad, dahil sa kabusugan at talagang mabilis akong dinalaw ng antok.

I had just woken up at four in the morning when I felt like something was digging into my stomach. Bigla rin akong nakaramdam ng hilo pero ipinagsawalang bahala ko na lang at tumungo na sa banyo para dumuwal.

Gosh! What the hell is happening to me?

"Dim? Are you okay?" Narinig ko ang boses ni Fern pero hindi ko siya masyadong pinansin. Matapos dumuwal ay nagmumog lang muna ako at naghilamos ng mukha bago lumabas ngunit makita ko pa lang at maamoy ang pagkaing nilapag niya sa mesa ay muli'y kaagad na akong nasuka.

"Are you okay?" I nodded my head after that and washed ng mouth again.

Pinigit ko na lang ang ilong ko palabas dahil hinahalukay talaga ang sikmura ko kapag naaamoy ko ang pagkaing dala niya. Mukha namang nawirduhan siya at inamoy pa ang mga pagkain.

"Hindi naman panis..." marahan itong humarap sa akin at kumunot ang noo, bago lumapit at hinila ako patayo.

"Bakit? Saan mo ako dadalahin?"

"We just need to confirm something..."

"Huh?"

"My mom is a doctor... I will let her check you."

"Wala akong sakit Fern..."

"We just need to make sure... ngayon ka lang ba nagkakaganyan?"

"Ilang araw na..."

"Every morning?"

"Hindi naman, kahit anong oras... nabigla na lang..."

Lumiko kami hanggang sa may marating na tila office. Basta na lang siya pumasok at dahil hawak niya ako ay napasama ko sa loob. There's a small bed in the corner... with... wait... tama ba kami ng pinasukan?

This is for ...

May lumabas na babae mula sa tila isa pang kwarto, but this time that was a bed room.

Lahat naman ng mga doctor dito ay may sariling kwarto sa office nila.

"Mom."

"Fern, what are you doing here? And who is this gorgeous girl? Nobya mo? Magiging lola na ba ako?"

"No." napasimangot ang ginang at ngumiti ulit nang lumipat ang tingin sa akin.

"Hello hija..."

"H-Hello, good morning, po d-doctora."

"Ilang weeks na?"

"P-Po?"

"Hindi pa niya alam mom, kapatid s'ya ni Damon. We're here for a checkup. Can we do a test? Para malaman natin?" hindi ko sila maintindihan?

"Okay, sure! Hija, come here." Wala man maintindihan ay pinili kong lumapit...pagkahinto ko sa harapan niya ay siyang pagangat niya mula sa paghahanap ng kung ano at inabot sa akin ang bagay na nakuha n'ya.

"You can use my bathroom over there. Just wait for the result afterward... and pag lumabas na tell me so I can give you the prescription.

Nang bumaba ang tingin ko sa bagay na inabot niya ay halos mabuwal ako sa kinatatayuan at sunod-sunod na napalunok.

N-No way!

It's a pregnancy test kit.

Am I pregnant with Hunter's child?

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click