《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 8

Advertisement

"You've been so cold to me. Are you okay?"

Ramdam ko ang biglaang paninigas ng katawan ko ng marahan akong yakapin ni Hunter mula sa likod.

We're currently on a plane. His private plane. Today is the day that we're flying back to the Philippines. Simula noong umalis siya after tumawag ni Amari ay hindi ko na siya kailanman kinibo. I was always with Kimmy in the morning and afternoon. Noong photoshoots ko naman para sa products niya ay hindi ko rin siya masyadong pinansin at busy din naman siya noon. Tanging si Vincyl lang ang naroroon to monitor. Hindi rin ako masyadong umuuwi sa bahay at ilang beses din akong nakareceive ng calls niya. I stayed with Kimmy and enjoyed the remaining days na magkasama kami. Mabuti na lang at may mini bar siya sa bahay niya dahil kay Tremor. Gabi-gabi kaming umiinom at may isang beses pa na nag drunk call ako kay Hunter at pinagmumura ko kaya kinabukasan noon, naroroon na siya sa labas ng bahay ni Kimmy at galit na galit na sinundo ako pauwi.

Kahit na galit siya noon ay hindi ako nag-sorry. Ni hindi ko nga rin siya masyadong kinausap noon kaya sa huli ay siya rin ang sumubok na aluin ako.

Hangga't madalas kong nakikitang magkausap sila on the phone ni Amari. Hinding hindi ako bibigay sa kaniya.

"Wife..." parang kinikilabutan ako sa boses niya. It was too... sweet to be true. Hindi naman siya ganito dati, at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapigilang hindi mahulog. Ang sabi ko pipigilan ko pa, kahit naamin ko na na mahal ko siya. Pero sa ginagawa niya, mas lalong nagiging malabo na para sa akin ang mawala ang nararamdaman na 'to.

"Okay lang, kinakabahan ako. Three years akong hindi nagpakita kay Damon," pasimple akong lumayo sa kaniya. I've tried to ignore him every time he tries to talk to me. Minsan ay tinutulugan ko na lang siya, kahit hindi ko alam kung paano ko nagagawa 'yon.

It took hours before lumapag ang eroplano. At sa mga oras na nasa loob kami, ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi kami magkausap na dalawa.

I don't know if it's still because of my jealousy or because I don't want him to know my feelings. I am not ready to tell him. Natatakot ako. Hindi ko naman ito naramdaman kay Meast. Hindi naman ako natakot na malaman ni Meast na may gusto ako sa kaniya. Mapusok pa nga ako noon at lantaran kong pinapakitang gusto ko siya. Pero ngayon? Everything turns upside down. Nawala 'yong tapang ko.

May pinasundo si Hunter na mga tauhan niya sa amin, halos mapanganga pa ako dahil tatlong kotse ang dumating. May binulong pa ang isang tauhan ni Hunter sa kaniya, matapos nitong bumaba sa pangalawang kotse. Wala akong idea kung ano 'yon at hindi ko na rin napagtuunan dahil iginiya na ako ng driver sa kotse na sasakyan namin ni Hunt.

Mayamaya lang ay sumakay na rin si Hunter sa tabi ko. He looked at me and took my hand, caressing it, habang nakapatong sa hita niya. Nang pasimple ko siyang silipin ay nakasuot na ulit siya ng sunglasses habang nakatingin sa labas ng sasakyan. He's now wearing his black shirt, na naka-tucked in sa kaniyang pants. He had already removed his long coat. Siguro'y inalis niya bago sumalay. Mula sa kaniyang shirt ay nakalabas na ang dog tag necklace niya. I can see his tattoo on his neck, mas kita ko 'yon dahil nakabaling ang mukha niya sa labas. It was a black bird tattoo, tatlong ibon flying, minimal lang 'yon. Sa pagkakaalam ko ay mayroon din siya sa likod ng kaniyang tagiliran. Maliliit na letra ng kaniyang pangalan.

Advertisement

Inalis ko ang tingin sa kaniya at tiningnan ang kamay naming pinagsalikop niya. Sinubukan kong bumitaw pero hindi niya ako pinayagan. I breathed heavily and ignored it. Sinubukan kong isipin na hindi kami magkahawak kamay hanggang sa makarating kami sa bahay na tutuluyan namin. It was the same house where kung saan niya ako dinala at sa kung saan niya ako pinapili. Something pricked my heart upon remembering what he did to me three years ago.

"Let's go inside, Jock. Ikaw na bahala sa mga gamit." utos niya sa isang tauhan habang ako'y tahimik na sumunod sa kaniya papasok. He opened the door and pulled me upstairs. Tumungo kami sa kwarto na natitiyak ko'y ang master's bedroom sa bahay na ito. Marahan niya akong binitiwan bago niya marahang hinuhubad ang suot niyang relo at sunglasses.

"Rest first. After that, you can plan how to see your brother." nilingon ko siya ng sabihin niya iyon.

"Do you know where he is? Nasa mansion pa rin ba siya?"

"He never left his mansion, but he definitely has different houses. Like me. Sinabi sa akin ng tauhan ko na ikakasal na ang kapatid mo," napasinghap ako sa sinabi niya.

"What?! Kanino?"

"Katherine Reiss, the known multi-millionaire heiress, your brother is lucky to have a fiancé like her." naiiling na sabi nito. Imbes na tutukan ko ang tungkol kay Katherine at Damon, mas natutukan ko ang tono ng pagkakasabi niya sa huling mga salita.

"Bakit mukhang nanghihinayang kang hindi ikaw ang naging fiancé ni Katherine?" damn! Parang nagtunog nagseselos yata ako. Huminto siya saglit bago ngumisi at hinubad ang kaniyang t-shirt. He even unbuckled his belt while walking towards his closet to pull out a pair of clothes.

"I like that woman. Lahat naman ng nagugustuhan ko napupunta sa kapatid mo." nabakas ko ang pait sa boses niya na kinalunok ko. Parang may humampas na matigas na bagay sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.

I am your wife. How can you say that to me, as if I was just your fucking friend?!

Gusto kong isigaw 'yon sa kaniya pero para akong pipi na hindi nakapagsalita.

Ramdam ko ang pagbara ng kung ano sa lalamunan ko pero sinubukan kong huwag magpakita ng emosyon sa kaniya.

"How about Amari? Babaero ka rin eh 'no? You have Amari, tapos may gusto ka kay Katherine?" I tried to hide the bitterness in my voice, ngunit hindi nakatakas sa sarili kong pandinig ang pagkabasag nito.

"That's a different story. I like Katherine, because why not? Nasa kaniya na lahat ng gusto ko. But Amari can give me all I want. Saka isa pa she's my e— never mind." biglang nawalan ng emosyon ang mukha niya at mabilis na sinuot ang kaniyang t-shirt.

Tumalikod na ako ng sandaling humarap siya. And when he bid his goodbye and walked outside, saka ako unti-unting napaupo sa kama sa panghihina. Mabigat ang paghinga ko at ramdam ko ang kirot sa buong katawan ko. I felt like I was all aching. Hindi na lang 'yong bagay sa dibdib ko.

I was so wrong to fall for him.

so wrong.

Pero bakit ayaw pang tumigil ng puso ko na mahulog sa kaniya?

Bakit ayaw niya sumuko?

Bakit ayaw niya lumaban? Bakit ayaw niyang umalis?

I should fight him now. I should tell Damon everything... o kaya ay si Meast. He could be a big help.

Kalaban nila si Hunter. I know. Hindi ko lang alam kung bakit hanggang ngayon, walang ginagawa si Meast para pabagsakin ang organisasyon ni Hunter.

Kahit anong klaseng plano ang pumapasok sa isip ko, para lang makawala sa pudir ni Hunter...nananatili at nananatili pa rin ako. Umaasa na baka naman, kahit konti magkaroon siya ng nararamdaman sa akin. Umasa ako noong sabihin niyang subukan namin. Umasa ako, kahit palagi niyang inuuna si Amari kaysa sa akin.

Advertisement

Tulad nang sinabi ni Hunter, nagpahinga muna ako. Kinagabihan, ay mag-isa akong nagluto at kumain ng dinner dahil sabi no'ng kung hindi ako nagkakamali ay si Jock. May transaction daw na pinuntahan si Hunter.

Matabang akong kumain ng mag-isa. Kahit ang pagnguya ko ay mabagal at walang gana. Bumalik nanaman ako sa dati. Sa loob ng tatlong taon, ganito palagi. Mag-isa akong kumakain. Sanay na ako. Sanay na dapat ako.

I sighed.

Tumingin ako sa orasan bago uminom ng tubig at hindi na tinapos ang pagkain. Nilapag ko ang mga ito sa sink at hinugasan bago nagpasyang umakyat sa kwarto at matulog. Kinabukasan paggising ko ay naabutan ko si Hunter na nagsusuot ng kaniyang neck tie. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang band-aid niya sa may kilay kaya bahagyang kumunot ang noo ko pero hindi na ako nagtanong kung anong nangyari.

"Aalis ako ngayon, pupuntahan ko si Damon." natigilan siya saglit sa sinabi ko at unti-unting napatingin sa akin.

"You only have two to three hours para makipag-usap sa kaniya. After that, babalik ka na sa akin." kumunot ang noo ko sa lamig ng pagkakasabi niya.

"Three hours? Tatlong taon akong hindi nagpakita, bakit 3 hours lang?" ngumisi siya sa akin.

"I am letting you see him, but only for three hours. Sasabihin mo lang kung bakit at nasaan ka ng tatlong taon, sino ang kasama mo, at asawa mo. 'Yon lang, you can't tell him about the contract we had, you can't tell him that I've abducted you." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Ano nanaman bang laro ito?

"W-Why? What are you trying to say? What are your plans? And what if hindi kita sundin ano ang gagawin mo? Papatayin mo kapatid ko?" a grin formed on his lips before he walked towards me, hanggang sa huminto siya sa harapan ko. He bent his body down and leaned his face close to mine.

"Your brother has so many weaknesses. Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi ng iba na tuso siya at nakakatakot kaaaway. Cause for me, he's too open, wide open that his enemy can easily know how to ruin him. Ikaw, si Katherine, kayong dalawa ang kahinaan niya. Naiintindihan mo ba kung ano ang ibig kong sabihin? Kung ano ang mangyayari, kapag dalawang mahalagang babae ang mawawala sa kaniya."

Lahat ng pag-asa ko ay unti-unting tinunaw ng mga sinabi niya. I can hear my heart shattering. Unti-unti kong napagtanto kung bakit ganoon ang turing niya sa akin nitong mga nakaraang linggo at araw.

He's the real definition of a demon. Mas malala pa siya kay Damon. He's a deceptive-cunning-devil. Bakit ko ba kinalimutan ang nakita ko sa kaniya noong panahong pinapipirma niya ako sa kontrata.

Nangilid ang mga luha ko at nakita niya iyon. Mas lumawak ang ngisi niya bago mahinang natawa. Tawa na hindi ko nagustuhan dahil masakit ang dulot noon sa akin.

Kumuyom ang kamao kong nakapatong sa mga hita ko. Nanginginig iyon sa galit ngunit wala naman akong magagawa. I saw the ring on my finger dahilan para may kumawalang luha sa mata ko na agad kong pinalis.

"You only have three hours, Dimaria. Do what you want to do. Pasasamahan kita kay Jock, after that ipapahatid kita sa kompanya para masimulan mo na ang trabaho mo." after that, he left the room.

I felt so dizzy, pakiramdam ko kahit kagigising ko pa lang ay gusto ko na lang ulit mahiga at matulog.

I was left with no choice but to obey him.

After a few minutes, I found myself inside one of Hunter's cars. Si Jock ang nagmamaneho nito patungo sa address na binigay ko. Inuna ko siyang puntahan sa opisina niya dahil natitiyak kong naroroon siya ng mga oras na ito.

Pagkahinto ko pa lang sa harapan ng guard sa entrance ng building ay kaagad na ako nitong hinarang.

"May appointment po kayo, Ma'am?" Some people are looking at me. I can see recognition on their faces. At nang makilala ako nito ay kaagad na tumakbo ang mga ito sa direksyon ko. Jock and the other men Hunter sent to follow us blocked me. They use themselves as a barrier, shielding me from the crowd.

"Dimaria Rushwood! Omg!"

"God, super ganda pala niya sa personal! Kyaaah!"

"Dimaria pa-picture please! Please!"

Nilingon ko ulit ang guard ng makabawi ako sa gulat. Mabuti na lang din pala at may pinasunod si Hunter na mga tauhan niya.

"I'm Dimaria Dankworth, kapatid ako ni Damon, and I need to talk to him. Pati ba kapatid niya kailangan ng appointment para makausap siya? I can also show you my ID, as a proof that I am telling you the truth," pinakatitigan ako ng guard bago may tinawagan. Mayamaya ay humarap siya ulit sa akin.

"Pasok na po kayo Ma'am, pasensya na po."

Derederetso akong pumasok ng hindi na nililigon sila Jock na naiwan sa labas. Hanggang sa makarating sa floor na sinabi sa akin ng guard kanina, ay hindi nawala ang iba't ibang emosyon na kanina ko pa nararamdaman. Hindi ko pa alam kung paano ko siya haharapin.

Nang makita ang pintuan ng opisina niya ay kaagad akong lumapit doon. Malalim akong bumuntong hininga at kumatok ng tatlong beses. Nang walang sumagot ay sinubukan kong pihitin ang door knob, only to find out that it wasn't locked. Marahan ko 'yong pinihit hanggang sa unti-unti iyong bumukas at bumungad sa akin ang tahimik na opisina ni Damon.

Wala siya?

Unti-unting bumagsak ang balikat ko at kapit ang string ng shoulder bag ko, ay marahan akong humakbang papasok. The office was neat and clean. Organized lahat ng gamit. Maaliwalas at malamig, same old Damon, who has been the clean-freak. He wants everything in order.

Habang inililibot ko ang paningin ay siya naman ang pagbukas ng natitiyak ko'y comfort room ng opisina niya at iniluwa noon si Damon. Noong una ay tila balewala pa ako rito, hanggang sa tila natigilan siya at unti-unting napalingon ulit sa direksyon ko.

I was just standing there, staring at him. I'm trying to compare his features from three years ago to now. Maraming nagbago sa kaniya. Mas humigpit ang kapit ko sa bag, I don't know how or where to start.

Umayos siya ng tayo at salubong ang kilay na naglakad palapit sa akin.

Malapit na akong maiyak. I wanted to tell him how sorry I was for leaving him alone.

"Dam—" namilog ang mga mata ko ng mahigpit niya akong yakapin. Ang mga luhang napipigilan ko pa'y unti-unti nang nahulog.

"Where have you been, Dimmy? I've been searching for you for three years."

"I'm sorry... I'm sorry Damon." gumanti ako ng yakap sa kaniya, wala na akong pakialam kung magusot ko man ang coat niya. Namiss ko siya, namiss ko ang kuya ko. Siya na lang ang mayroon ako. At habang yakap ko siya, parang gusto ko na lang sabihin sa kaniya ang totoo. Pero no. I won't risk him for me. Kaya ko pa. Ayos lang naman. Unti-unti na niya akong pinakawalan at pinahid ang mga luha ko. Malalim siyang humugot ng hininga.

"What happened? I was mad when you left, but I'm also worried. I knew you're in Vegas. But I don't know the reason why you don't want to tell me. You knew I can easily find you. I just didn't bother to get you because of your reason that I don't know."

"I. . . I eloped with Hunter." shit. I am lying. I hate it.

"What?!"

"I'm sorry, n-natakot ako na sabihin sa 'yo kasi alam kong pagbabawalan mo ako. I'm sorry Damon." I cried. Yumuko ako dahil ayokong makitang magalit siya.

"Who is he?"

"Hunter? Hunter Martinez." pinaglaruan ko ang singsing na nasa daliri ko at marahang nagangat ng tingin to see his expression, at halos mabuwal ako sa kinatatayuan ng makitang madilim ang kaniyang mukha.

"That punk!"

"Damon, I love him... he's my husband now. Nagpakasal kami sa Vegas, after namin umalis... Hindi ako nagpaalam sa 'yo kasi alam kong pipigilan ko akong sumama sa kaniya... I'm really sorry, but please... huwag ka nang magalit sa akin... sa amin." And I'm sorry because I lied again, brother.

Isa lang ang totoo sa sinabi ko at iyon ay ang mahal ko siya.

Nakita ko ang tila pagpipigil niya ng galit at pilit pinakalma ang sarili.

"Why him? Why not Meast? I could accept it if it was my friend. Our friend."

"Minahal ko siya eh, I can't help it. Gusto ko si Meast, pero si Hunter... mahal ko siya Damon." He shuts his eyes and massages the bridge of his nose. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang isang lalaki na asul ang buhok. Bahagya akong natigilan at kumalabog ang dibdib ng maglakad ito palapit sa amin.

"Hindi ako na-inform. May reunion pala tayo ngayon?"

"Meast," lumipat ang tingin nito sa akin, marahan siyang naglakad at hinalikan ako sa pisngi.

"It's been a long time, Dim."

"S-same Meast."

"Mas lalo kang gumanda, hiyang ka yata sa pinuntahan mo?" kakaibang ngisi at tingin ang binigay niya sa akin na mukhang nakuha ko ang ibig sabihin.

"Shut up, Meast. This sister of mine married that fucking Hunter Martinez." Damon growled. Nawala ang mapaglarong ngisi ni Meast at unti-unting sumeryoso ang mukha nito.

"What?" bumaling siya sa akin. Mukhang hindi rin nagustuhan ang narinig. Seryoso na ang mukha nila kaya mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan.

"You're married to Hunter Martinez?" He stated that, like he really didn't know. Hindi ko nasabi sa kaniya noon kung sino ang pinakasalan ko.

"Y-Yes."

"Okay, problema mo na 'yon bud."

"What the hell, Trigon!"

"What? Kayo naman ang may problema sa isa't isa, labas na ako roon."

"He's one of your target Trigon, I am not alone." Nailing si Meast at napasulyap sa akin bago napabuntong hininga.

"Divorce him, iyon lang ang mabisang paraan Dim. What you did is like declaring a war between Damon and Hunter."

"I can't."

"You can't love him, Dimmy. I understand that you love him. I can't do anything about that. I can't force you to unlove him, but you can't stay in your marriage. He's just using you." I know. But I love him and I am protecting you. It's like hitting two birds with one stone, Damon.

"I can't do that... ayokong hiwalayan siya..." I stepped back.

"He's going to hurt you, I don't want that to happen. It's too obvious! He's using you against me! That fucking Martinez won't stop with his bullsh*t! Revenge huh?"

Revenge? Anong ibig niyang sabihin?

Magtatanong na sana ako ng may kumatok. Lumapit doon si Meast para tingnan kung sino, lumingon din ako to see who is it at nakitang si Jock iyon.

"Who are you?" Meast asked him.

"I am Jock. I am here to pick up Miss Dimaria. Ipinapahatid na siya ni Sir Hunter sa kompanya nito."

Tiningnan ko ang oras at nakitang lagpas na ng tatlong oras.

"I have to go, magkikita ulit tayo Damon. Meast. I just need to go, may trabaho pa ako." Hindi na nila ako napigilan ng mabilis akong lumabas.

Nakarating kami sa kompanya ni Hunter ng may bigat sa dibdib ko. Gusto kong manghimasok at alamin ang pinanggagalingan ng galit ni Hunter kay Lucifer pero natatakot akong malaman. Natatakot ako na baka kapag pinagtagpi-tagpi ko ay mabuo ko ang kwentong dudurog sa akin.

Pagpasok sa opisina niya ay hindi ko naabutang naroroon si Hunter. Baka may meeting kaya inisip ko na lang na hintayin siya. When it comes to being a clean freak, kapareho lang siya ni Damon. Pero malaki ang pagkakaiba nila sa ibang bagay.

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click