《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 3

Advertisement

Three years ago, my brother and I reunited after being away for years. But it didn't last longer, when I got into a situation, there was no way out.

"Alright! Let's wrap this up, pips!" mabilis kong kinuha ang robe na inabot sa akin ni Kimmy, my manager at siya ring naging kaibigan ko rito sa Vegas for three years. Iilan lang kaming Filipino ang naririto, 'yong ibang models ay Asian, ang iba from the Middle East, tapos ang kalahati ay puro na taga Western.

"May party mamaya sa unit ni Austine, sama ka?" kinawit ni Kimmy ang kamay sa braso ko habang patungo kami sa dressing room. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Gusto ko sana kaso...napalingon ako sa singsing na nasa daliri ko.

"Next time, Kimmy, kailangan kong umuwi ng maaga." she groaned.

"Lagi naman Dimaria, lagi naman. Ano bang mayroon sa bahay mo at tila takot na takot kang hindi 'yon mauwian?" oo nga pala, wala sa kanilang may alam ng totoo. Mabuti nga at hindi nila pinagiisipan ang singsing na suot ko.

"You know naman na bukod sa pagiging modelo, I have another work at night virtually," pagsisinungaling ko. I just don't want Kimmy to think about me. Matagal ko nang pinangako sa sarili ko, that I won't and will never burden people around me with my own problems.

"Oo na sige na, basta sa Saturday labas tayo ah? Kape-kape lang." ngumiti ako.

"Sure," mabilis na akong nagbihis at nagpaalam na rin sa kaniya. Binilinan lang niya ako na may meeting ako with the CEO of the Luxury. Napili kasi akong maging brand ambassador nila. And I will do some photoshoots to be the image of their company and advertise their products. Nakababa na ako ng building nang matanaw ko ang isang kotse na naghihintay. Umaliwalas ang mukha ko sa isiping baka siya 'yon, ngunit agad na napawi iyon ng makita si Robert, my driver. Well, he appointed him to be my driver. I just thought, kahit isang beses lang ay magagawa niya akong sunduin. Tahimik akong sumakay sa kotse at kaagad namang sumunod si Robert.

"Si Hunter?" Robert glances at me using the rear-view mirror.

"Nasa bahay niyo po Miss Dimmy," hindi na ako nagsalita at kinuha na lang ang phone ko. I scrolled it up to nahinto lang sa isang post from Meast. I was following his IG. Isang taon na rin nang makausap ko siya, I told him na huwag sasabihin kay Lucifer kung nasaan ako. I told him that I was doing good and to tell Lucifer too. Ayokong kausapin ang kapatid ko dahil alam kong rurupok ako.

I feel so sorry for Lucifer, but I am doing this for him. For our peace. Nakarating kami sa bahay ng hindi ko namamalayan dahil sa kakatingin ko sa pictures ni Meast na kokonti naman. Madalas IG story lang niya ang tinitingnan ko at nagmimistula na 'yong happy pill ko. I still like him. He knew that. Pero nabalitaan ko na sila na pala ni Val. Wala pang isang taon noong umalis ako. Pero mukhang nagkakalabuan sila kasi umalis si Val para ipagpatuloy ang pag m-modelo.

Kaagad na akong pumasok sa bahay ng hindi na basta-basta kumatok. Kami lang naman ni Hunter ang naririto. Ngunit ang ginagawa kong paghakbang papasok ay agad na natigil. I was stunned and rooted to the same place I was standing. My lips parted as my tears welled up in my eyes. I saw how Hunter kisses the woman, aggresively, kitang-kita ko kung paanong mag espadahan ang mga dila nila... hindi ito ang unang beses kong makita siyang may kahalikan na babae rito pero hindi ko pa rin magawang masanay. Sa loob ng tatlong taon na mag-asawa kami, walang oras na hindi niya ipinaramdam sa akin na asawa lamang niya ako sa papel at may kontrata akong pinermahan.

Advertisement

Pakiramdam ko nanikip ang dibdib ko habang pinapanood sila, na tila walang pakialam kung naroroon ako at lantaran silang napapanood. Hindi ko nga alam kung napapansin pa nila ako. Sa inis ko'y nilakasan ko ang mga yapak paakyat sa hagdan ng hindi sila nililingon, at ng sandaling makarating sa kwarto ay doon muling bumuhos ang mga luha ko. This has been my hobby, crying inside this dark room.

Hindi ko nanaman binuhay ang ilaw tulad ng nakasanayan ko na rito. Dahil wala namang gabing hindi ako umiyak simula nang pakasalan ko si Hunter. I don't even know why it hurts me. Maybe because this is not my dream marriage. This is not my dream life, and he's not my dream husband. Not like him. It should be Meast! Siya lang dapat. Siya lang ang gusto ko. Pero dahil pinili ko 'to, dapat panindigan ko.

I was in the middle of crying when someone called me. Ramdam ko ang vibration ng phone ko kaya kaagad ko 'yong kinuha. Sa dilim ay kaagad na nagbigay liwanag ang cellphone ko. I saw Kimmy's name on my phone's screen, kaya agad ko na 'yong sinagot. I sniff first and wipe away my tears.

"Kimmy?" pinasigla ko ang boses kahit na alam kong bakas ang pagkabasag noon. I want to tell her, I want to breathe. I want to talk about my pain, pero pinili ko na lang itago ang sakit at ipakitang okay lang ako.

"Dimaria! I have good news!"

"Really? What is it?"

"Remember Prett Vinezon?"

"Uhuh, that CEO-hottie..." isa sa kilalang business man at CEO ng isa sa pinakasikat na kompanya ng mga alahas. Their company sells luxurious jewelries. Na hindi talaga biro ang halaga.

"He selected you to be their model, para sa bagong design na necklace, which costs a billion." biglang umurong ang luha ko at pansamantalang nakalimutan ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Napatili pa ako at bahagyang napatalon ngunit agad din naman akong tumigil. Sakto na binaba ni Kimmy ang tawag ay bumukas ang ilaw ng kwarto ko. I squinted when the lights in my room hurt my eyes.

"Bakit ba laging ang dilim ng kwarto mo?" The deep voice echoed through my whole room. Kaagad akong napatayo at hinarap siya na kunot-noong nakatingin sa akin. Hindi naman siya madalas dito, at wala naman siya laging pakialam...so why is he here?

"Sanay ako sa madilim'" tipid na sabi ko sa mababang boses at kaagad na naglakad palapit sa side table.

"Don't you have class tomorrow?" natigil ako saglit. Oo nga pala, nag-aaral pa nga pala ako. Pinagaaral niya ako. Monday-Thursday ang pasok ko. I'm in my third year, and I'll be in my fourth year next year.

"Mayroon, three subjects." Tipid ulit na sagot ko at nang lingunin siya'y nakahalukipkip na siya at nakasandal sa padir habang pinapanood ako.

Anong mayroon sa kaniya ngayon? Hindi siya pumapasok sa kwarto ko. Sa tatlong taon na magkasama kami sa iisang bahay ay parang hangin niya lang ako ituring. Kakausapin kapag may itatanong siya o sasabihin, pero bukod doon ay madalas kaming hindi mag-usap. Para lang kaming magka house mate. Buti pa nga ang gano'n nagagawang mag-usap, pero kami ay hindi. He's very distant to me, madali ring uminit ang ulo niya kaya hindi na rin ako nagpursigi na magkalapit kami at kahit paano ay malaman ko kung bakit ang laki ng galit niya kay Damon Lucifer.

"Free your schedule after your class. We will be going to attend one of my business partners' party. I'll take you with me." natigilan ako. Pero may usapan kami ni Kimmy.

Advertisement

"You don't have the right to say no, Dimaria." umayos na siya ng tayo at tumalikod na, ngunit bago siya lumabas ay muli siyang nagsalita.

"Don't accept Prett Vinezon's offer to you. Kung gusto mo pang ituloy ang pag m-modelo mo." ang kasiyahan ko kanina ay unti-unting naglaho dahil sa sinabi niya. Kumuyom ang kamao ko at mabilis siyang hinabol.

"Bakit hindi?! And why are you so controlling? That's my job. Hindi naman kita pinakikialaman sa lahat ng gusto at ginagawa mo hindi ba?!" I hissed and he just looked at me without emotion.

"Do what I said, kung ayaw mong pagsisihan na sumuway ka sa akin." mariin na sabi niya na mas kinaahon ng inis sa dibdib ko.

"That's my job. I have my own mind to decide. Labas ka na sa kung ano ang gusto ko sa trabaho ko Hunter." marahas niya akong nilapitan at hinawakan ng mariin ang braso ko para bahagyang hilahin at paglapitin ang katawan naming dalawa. His eyes were like daggers and it made my knee tremble.

"You're my wife. Kahit na baliktarin mo ang mundo asawa kita sa papel at hawak kita Dimaria. Pumerma ka ng kontrata, and the moment you signed it... binigyan mo na ako ng karapatan na hawakan ka sa leeg, pati ang desisyon mo, naiintindihan mo ba?" nangilid ang luha ko sa diin ng kapit niya at sa diin ng pagkakasabi niya noon. Nasasaktan ako sa hawak niya at nasasaktan din ako sa binibitawan niyang salita sa hindi ko malamang dahilan.

"Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong huminto sa pag m-modelo. Huwag mong sagarin ang pasensya ko," marahas niya akong binitawan at kaagad na umalis sa harapan ko.

Freedom. Simula ng makasal kami, 'yon na ang pinapangarap ko. To be free. Again.

Walang lakas akong bumalik sa kwarto at marahang dumapa sa kama. Pinatay ko ang lahat ng ilaw at kaagad na binaon ang mukha sa unan, I let myself cry again, unti I fell asleep. Hindi na inisip na hindi pa ako kumakain ng dinner. Pumasok ako sa klase ko ng wala sa mood. Siniguro talaga ni Hunter na hindi ako makakatakas sa kaniya, dahil pinasamahan niya ako sa dalawa niyang tauhan. Kaya ng matapos ang klase ko ay halos para akong lantang gulay na pumasok sa kotse.

Pagkarating sa bahay ay naabutan ko si Hunter na nakaupo sa couch. Naka dipa ang dalawa niyang braso sa backrest ng couch, habang naka de kwatro na akala mo'y isa siyang hari. Naagaw ko ang attention niya at kaagad na dumako sa akin ang tingin niya. The moment he met my eyes, a grin formed on his lips before he stood up. Kinuha niya ang malaking paper bag at naglakad palapit sa akin.

"I'm giving you fifteen minutes to fix yourself," He looked at his wrist watch before he handed over the paper bag. Walang reklamo na kinuha ko iyon at sinunod ang utos niya.

Nang makapag palit na ako ay saka ko lang nakita ang dress sa harap ng salamin, hindi ko kasi ito masyadong pinagaksayahan ng oras na titigan kanina.

It's quite revealing, though I'm already used to wearing this kind of dress. I let my hair get a little wavy since maiksi lang ang buhok ko and I took the heels out. Matapos magayos ng sarili ay bumaba na ako at naabutan si Hunter na naghihintay pa rin. Paminsan-minsan itong tumitingin sa kaniyanh wrist watch tila binabantayan ang oras hanggang sa mapunta sa akin ang tingin niya.

He wasn't showing emotion, nakatitig siya sa akin at pinapanood ako pero wala akong makita na kahit paghanga man lang. His eyes were lifeless and I hated it. Napakaramot.

"Let's go." at hindi niya man lang ako hinawakan sa bewang o sa kamay. Nauna na siyang lumabas at pumasok sa kotse. He took Robert with us as our driver. Tahimik lamang akong sumunod at naupo sa tabi ni Hunter. Nakarating kami sa isang mansion, matapos ng halos kalahating oras na biyahe. Pinagbuksan ako ni Robert ng pinto habang si Hunter ay nakatayo lang malapit sa akin at hinihintay akong lumabas.

Bahagya akong natigilan ng mabilis niyang pinulupot ang braso sa bewang ko guiding me inside the mansion, at sa malawak na living room, lumapit kami sa tila mag-asawa na may kausap pang natitiyak ko'y mga sikat din na business men and women.

The whole living room was occupied by different people. May kaniya kaniya lamang silang circle table kung saan nakapatong ang kanilang inumin at may kanya-kanya silang grupo na kakwentuhan.

"Good evening, Mr. De Guzman and Mrs. De Guzman." napunta sa amin ang tingin ng mag-asawa, ngumiti sila ng tingnan si Hunter pero agad iying napawi ng makita ako. Nagkatinginan pa ang mga ito bago napbuntong hininga at muling hinarap si Hunter ng may ngiti na ulit sa kanilang mga labi. Hindi ako nanliliit sa kanila, pero ramdam kong hindi ako nababagay. I do not belong here. This is not my place. I am one of the highest paid models, pero kahit gaano pa kayaman ang mga naririto, kahit ang ilan ay kapantay ko lang, ramdam kong wala rito ang lugar ko.

"Hijo, mabuti naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon namin, matutuwa si Amari." nakangiti at masiglang sabi ng ginang ngunit unti-unti nanamang nawalan iyon ng sumulyap sa akin.

"Of course, by the way, I brought my wife here. I hope you don't mind? Don't worry, she's good and you might already know her. She's Dimaria Dankworth-Martinez."

"The model," napalingon ako kay Mr. De Guzman at nakatitig ito sa akin. Ngumiti naman ako at bahagyang nag-bow sa kaniya.

"Yes, she is." halos kumalabog ang dibdib ko sa tono ng pagkakasabi ni Hunter noon, he said that like he was so proud of me.

"She's gorgeous, you're lucky you got her Hijo. May balak na ba kayong magka-anak?" pakiramdam ko ay masasamid ako ng sariling laway sa narinig.

Anak? Anak agad? Eh sa tatlong taon na kasal kami, iba't iba ang kasama niyang babae, noong kasal nga lang namin kami naghalikan e. Take note, mabilis na halik lang 'yon. Pareho kasi kaming umiwas agad, like he disgusts me, at ganoon din ako sa kaniya. After that kiss, ay hindi na 'yon nasundan dahil bukod sa bihira umuwi si Hunter sa bahay, ay marami pa siyang babae araw-araw.

"We're still trying to enjoy our freedom as a married couple, but soon we will plan to have one," okay he's obviously lying. He hates my brother, hindi niya gugustuhing magkaanak sa akin. Tumango-tango na lang ako at pilit na ngumiti sa mag-asawa dahil sa pagdiin ng kapit ni Hunter sa bewang ko.

"Hunter, restroom lang ako." I tried to whisper to him, ngunit mas humigpit ang kapit niya sa akin. Magsasalita pa sana ako ngunit agad na 'yong natabunan ng isang boses.

"Hon! You came!" derederetsong yumakap ang isang babae kay Hunter at mariin siya nitong hinalikan sa labi right in front of me. Something pinches my heart and tries to remove Hunter's arm from encircling my waist, ngunit hindi niya ako pinakawalan. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong maramdaman ang ganito. Kung bakit nagsimulang magbadya ang luha ko. Kung bakit gusto kong saktan si Hunter ngayon dahil hindi niya itinulak ang babae.

"Jesus! Amari!" Mrs. De Guzman hissed. Mukhang natauhan na ito sa nasaksihan at kaagad na hinila si Amari palayo kay Hunter.

"Mom?!"

"Asaan ang delikadesa mo? Hindi ka namin pinalaking bastos! Can't you see that he's with his wife?" nababahalang lumingon sa akin si Mrs. De Guzman, kaya pinilit kong lumunok at ipakita na hindi ako apektado. Hawak ko ang kamay ni Hunter at gustong gusto ko na 'yong alisin pero ayaw niya.

"I'm sorry, Dimaria, Hunter. My daughter is tipsy. Len, dalhin mo na ang anak mo sa kwarto." mariin na utos ni Mr. De Guzman sa asawa na agad naman nitong sinunod. Kahit nawala sa paningin namin si Amari ay hindi nawala ang mabigat na pakiramdam ko.

Hunter and Mr. De Guzman started to talk, at ito namang si Hunter kung makaakto akala mo walang nangyari.

"My daughter's still in love with you, Hunter, sana ay maintindihan mo ang inakto niya. Alam mo naman kapag may tama ng alak, lumalakas ang loob at nagiging mapusok." In love. She's in love with Hunter.

Mas lalong sumama ang pakiramdam ko kaya mabilis na akong kumawala kay Hunter ng sandaling lumuwag ang kapit niya sa akin. Walang pagdadalawang isip akong naglakad paalis at tumungo sa restroom ng mansion. Nahirapan pa akong hanapin ang restroom dito sa baba at nang makapasok ay saka ko pinakawalan ang mabigat na kanina ko pa dala.

Shit! Bakit nararamdaman ko 'to?!

I can't. Hindi pwede Dimaria! Hindi ka pwedeng masaktan, hindi ka pwedeng magkagusto sa kaniya! You were just his hostage! Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko hanggang sa unti-unting kumawala ang mga hikbi na matagal kong pinigilan. I washed my face, walang pakialam kung mabura ang make up na suot ko. This shouldn't be happening. I shouldn't feel insecure and jealous! Dapat sanay na ako 'di ba? Mas higit pa sa halik ang nakita ko noon, at ilang beses na 'yon. Bakit ngayon pa ako makakaramdam ng ganito?

I waited for myself to calm down, pero kahit napagod na ang mga mata ko sa pag-iyak, ramdam ko ang bagay sa dibdib ko na patuloy na nabibiyak.

I fixed myself at parang walang nangyaring lumabas. Wala akong plano na bumalik kay Hunter kaya pinili kong tumungo sa sulok, kung saan may table na may nakapatong na inumin. Kinuha ko ang glass at sinalinan bago mabilis na lumagok. Nakailang beses ako ng inom, at halos maubos ko ang laman ng isang bottle. Nagsalin pa ako ng isa walang pakialam sa paligid at mabilis na naglakad palabas, hanggang sa marating ko ang pool area ng mansion.

I continued drinking until I had nothing but an empty glass.

Why can't I be drunk? Walang epekto sa akin ang alak na ininom ko at naiinis ako!

"Who gave you permission to drink?" I hiccuped when I heard Hunter's voice behind me.

"You brought me here. There are lots of drinks inside. Siguro naman may kalayaan akong uminom ng alak." I chuckled painfully. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso at kinuha ang wala nang laman na baso sa kamay ko at pinatong iyon sa table malapit sa lunge.

"Let's go, uuwi na tayo." uuwi?! No!

"Wait! Let's stay first... hintayin mo munang mahingawan si Amari. Baka hanapin ka niya, magpaalam ka muna." nilingon niya ako habang kunot ang noo.

"Let's go home; 'wag mong painitin ang ulo ko Dimaria." I laughed sarcastically before pushing his chest.

"Bakit ba palagi ko na lang pinapainit ang ulo mo? Bakit ba lahat na lang ng gawin ko ayaw mo?! Nagpakasal na nga ako sa 'yo 'di ba? Kahit may iba akong gusto pinakasalan kita, kahit masakit sa akin, kahit wala akong idea sa lahat ng dahilan, ginawa ko pa rin ang gusto mo! Pero bakit kahit isang beses... isang beses lang... bakit hindi mo ako magawang pagbigyan sa gusto ko?!"

"Hinayaan kitang mag modelo kahit ayoko," malamig na sagot niya na kinatawa ko pa lalo.

"Yeah, hinayaan mo ako pero ikaw pa rin ang mag d-desisyon sa kung ano o kanino galing na contract ang tatanggapin ko. Ayaw mo nga ng photoshoot na may kapartner ako?" He shut his eyes. Mariin niyang pinaglapat ang mga labi niya at malalim na bumuntong hininga.

"Let's go, uuwi na tayo." Mas mariin na sabi niya at hinila na ako. The last thing I know ay nasa loob na kami ng kotse ngunit pinili kong manahimik na lang. I closed my eyes at hinintay na makauwi kami. Pagkatigil na pagkatigil ng kotse ay mabilis na niya akong hinila pababa at kinaladkad papasok sa bahay.

I was about to go upstairs to sleep, ngunit hinila niya ako sa kusina.

"Matutulog na ako Hunter," Mas kalmado na sabi ko.

"No, here drink this... magluluto lang ako ng dinner." hindi ko na pinansin ang sinabi niya at tiningnan ang isang basong malamig na tubig sa harapan ko. Ininom ko iyon at kumuha pa ng ilang beses to sober up. Unti-unti kahit paano ay nawawala ang kirot ng ulo ko at medyo pagkahilo.

"Why do you have to trap me in this marriage for three years?" I asked, out of the blue. Napansin kong natigilan siya pero hindi niya ako nilingon.

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click