《Hunter's Wrath (Completed)》Chapter 2

Advertisement

Halos isang linggo na namalagi sa isip ko ang nangyari sa bathroom, at ang pag-uusap namin ni Hunter. Simula rin noon ay madalas ko na siyang mahuling nakatingin sa akin o nakamasid. Kahit mahuli ko siya ay hindi siya nag-iiwas ng tingin. Madalas ay blanko at wala talaga akong mabasa sa mukha niyang kahit ano, at kung minsan naman ay nahuhuli ko siyang nakangisi ng tila may binabalak na hindi maganda. I find him creepy.

"Are you okay?" Nilingon ko ang nagsalita at agad na naagaw ang attention ko ni Meast ng maupo ito sa tabi ko. Lumingon lingon ako para hanapin si Damon o ang special someone niya pero wala akong nakita. That is also why I heard his chuckle.

"Wala si Damon, may tinatapos."

"Bakit hindi ka masungit sa akin? Crush mo ba ako?" pagbibiro ko na muli lang niyang tinawanan at ginulo ang buhok ko na parang nakababata niyang kapatid.

"I have a sister, hindi kayo magkaugali, but since you're Damon's sister... parang kapatid na rin ang turing ko sa 'yo." aray ko naman. Hindi nga friendzone na sisterzone naman.

"Ayoko ngang maging kapatid ka, hindi bagay. Mas gusto ko girlfriend m—" nahinto ako at natutop ang sariling bibig. Pakiramdam ko bigla akong namula sa nasabi ko. Shocks! Ang agang confession naman Dimaria!

Nahihiya tuloy akong napalingon kay Meast, ngunit naabutan ko lang itong nakatingin sa akin. Amusement crossed his eyes as he shook his head and let out a chuckle.

"I don't want to hurt you, Dimaria. I am sincere when I tell you, you're like a sister to me," oo na tanggap ko nang basted ako. Pero... no! No! Hindi ko pa pala tanggap!

"Okay lang, maswerte naman ako na sa dami niyang mga babaeng halos mabali ang leeg kakalingon sa iyo, at ginagawa lahat para mapansin mo, eto ako at walang kahirap-hirap na nakakausap at nakakasama ka." nakangiting sabi ko. Kahit sa loob-loob ko hindi pa rin ako sumusuko.

Nasa student park kami, abala ako sa paggawa ng power point presentation para sa report ko bukas habang siya'y nagagawa ng plates nila. Minsan ay tinitingnan ko ang ginagawa niyang design at hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil magaling talaga siya.

Akala ko'y makakasama ko siya ng matagal ngunit agad din siyang nagpaalam dahil may klase na sila. Naiwan ako roon na tinatapos ang report, ngunit sa pag stretch ko ng kamay at leeg ay aksidente akong napalingon sa isang direksyon and there I met the same stirling gray eyes of Hunter Martinez. Tulad ng madalas ay walang kahiya-hiyang nakatitig ito sa akin. I swallowed a couple of times and chose to look down. I can't maintain eye contact with him. It's making my heart go damn crazy. At hindi ko 'yon gusto.

Matapos gumawa ng report ay nagpasya akong lumabas na lang ng school para tumungo sa coffee shop, sa tapat. I'd rather wait for my brother there, kaysa naman ma-boring ako sa student park. Isa pa wala na akong klase kaya, free na free na akong lumabas ng campus. Isa sa nagustuhan ko sa college, hindi ko na kailangan pang pumila ng matagal sa gate bago 'yon bumukas at bago ako makalabas.

Advertisement

I was on the outside already when someone grabbed my arm and pulled me. Napasinghap ako at agad na nilingon kung sino 'yon at halos mawalan ako ng maisalita ng malamang si Hunter 'yon.

"W-What are you doing? Where are you taking m-me?" walang masyadong nakakakita sa amin dahil hindi pa naman uwian at may mga klase pa. Malayo na rin kami sa guard.

"Sumama ka sa akin ng tahimik at 'wag kang mag e-eskandalo." mariin na sabi niya at diniinan ang pagkakahawak sa braso ko.

"Bitiwan mo ako Hunter..." mariin din na utos ko and was about to escape from his grip when something touched my waist.

Nanlamig ako dahil ng sandaling bumaba ang tingin ko roon ay nakita kong baril iyon. He has a f-fucking gun! Walang nakakapansin sa amin dahil nakapwesto siya sa likuran ko at ngayon ay nakayakap na ang kamay niya sa bewang ko. Tama lang ang lapit ng katawan niya para malayang matutukan ako ng baril habang ginigiya papasok sa kaniyang kotse.

Naluluha akong napasunod at natahimik. There are some images that flash in my mind that make me shut my eyes. I was trying to forget that. Ngunit pinapaalala lang sa akin ng lalaking 'to.

Nang makapasok siya ay mabilis niyang ni-lock ang pinto. He leaned closer to me and buckled my seat belt. While I remained stiff as my breathing became rigid. Ang luha ko'y naiwan sa mga mata ko. Hindi sila tumutulo pero alam kong naroroon lamang sila.

"I h-hate you..." I mumbled. I'm scared of his real motive.

"I am allowing you to hate me, despise me, Divecca. Just don't try to make a move na ikauubos ng pasensya ko." as if I have a choice? Anong laban ko sa baril niya?!

Damon.

I want to cry. Gusto ko siyang tawagin pero natatakot ako. Isa pa, ayoko siyang mag-alala pa sa akin. Ayokong ipahamak siya. Meast. I took out my phone from my bag, secretly, while he's driving, ngunit natunugan niya pa rin at mabilis iyong nakuha. Kahit ang bag ko'y naitapon niya sa likuran ng walang kahirap-hirap.

"Trying to call for help? You're really trying to cut the small string of my patience, Divecca Marianne."

"What do you want? Where are you taking me? Why are you doing this? I don't even know you? Wala naman akong atraso sa 'yo, bakit mo ginagawa 'to?!" humigpit ang kapit niya sa manibela. Hindi siya umimik.

"What?! Wala kang masabi?! Bakit? Trip mo 'to? Or dahil...dahil rival kayo ng kapatid ko? O baka dinamdam mo 'yong pagkakabangga ko sa 'yo eh nag-sorry naman na ako 'di ba?!" Gosh, saan ba ako kumukuha ng tapang? I just want to know why... why is he doing this?

Hindi pa rin siya nagsasalita, nanatiling mahigpit ang kapit niya sa manibela.

"Oh so I am right, you're just bitter and jealous of someone's achievement, and of course, maybe you're too shallow for—"

"Shut the fuck up woman if you don't want me to kill you and your fucking brother! Behave yourself before I do something you'll never like! Bullshit!" halos mapakislot ako ng marahas niyang hinampas ang manibela at sa galit niyang pagsigaw tila naririndi sa pagsasalita ko. Ang nangingilid ko lamang na mga luha ay unti-unti nang tumulo. Base on his voice, and on how he yelled at me. His voice was full of hate and anger.

Advertisement

So this is his true color? Eto ba ang motibo niya kaya madalas siyang nakatingin sa akin? He was just observing and looking for the perfect opportunity to abduct me?!

What the fucking fuck is his fucking reason?!

Nanginginig man ang kamay ay nagawa kong palisin ang mga luhang kumawala sa pisngi ko. I was even trying to stifle my sobs from escaping my lips. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang marahas niyang pagbuntong hininga at pagsuklay sa kaniyang buhok. His jaw moved harshly. Halos hindi ko na namalayang huminto na kami sa harap ng isang bahay. The area was too far from the neighborhood. Secluded and dark.

I always find darkness, comfortable. But this place isn't the same. It makes me feel the terrifying feeling that people often use to describe being in the dark. It screams danger.

"Baba." kaagad akong napasunod sa ma-autoridad niyang utos nang buksan niya ang pinto. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa au nahila na niya ako sa braso. He took my bag, leaving my phone inside his car. Bitbit ang bag sa isang kamay ay hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papasok sa loob ng bahay. Hindi pa lang kami nakakapasok ay nangangatog na ang tuhod ko at halos madapa na ako sa pagsunod sa kaniya.

"B-Bakit mo ba talaga ako d-dinala rito? A-Ano bang kasalanan ko?" wala akong matandaan. Bago lang naman aoo sa school, dalawang Linggo pa lang ako bilang college student, wala akong atraso sa kaniya para gawin niya 'to sa akin.

He threw me on his couch as he put his gun back on his behind. Hinubad niya sa harapan ko ang uniform n'ya, leaving his undershirt na white. He looked at me with emotionless eyes before walking over to the nightstand and taking something.

Bumalik siya sa harapan ko at tinapon sa lamesita ang itim na folder.

"W-What is that?"

"The one that will decide your fate. Permahan mo, mabubuhay ka. Magmatigas ka at papatayin kita." bigla akong namutla sa sinabi niya. Nanginginig ang kamay na kinuha ko 'yon at binasa only to know that it was a contract saying that I was giving myself to him as a fungible asset in exchange that he wouldn't do something that would ruin my brother.

"A-Are you crazy?"

"No."

"Anong tingin mo sa akin bagay?! Madaling bilihin? Madaling gawing pag-aari mo? Madaling maging bayad?" He smirked at me.

"Sa laki ng atraso ng kapatid mo sa akin, kulang pang kabayaran ang buhay mo, Divecca. Marami akong bala laban sa kapatid mo. Kung magmamatigas ka. You're going to be your brother's downfall. Now choose. Give yourself to me and marry me? Or choose yourself and let your brother fall?"

"Damn you, Hunter! Why are you doing this?! Anong atraso ng kapatid ko sa 'yo huh?!" napatayo na ako at matapang siyang hinarap ngunit marahas lang niyang hinawakan ang panga ko at gamit iyon ay tinulak ako pabalik sa couch. He took out his gun and pointed it at me. Halos tumigil ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.

"You have a pen. Sign it." utos niya na hindi ko agad ginawa.

"Putangina permahan mo na!" I flinched. Halos mapasigaw ako sa takot at gulat ng mas idiin niya ang pagkakatutok sa akin ng baril. I chewed my lower lip and, with my tears falling, I took out my pen and signed the contract, despite my trembling hand. Pumapatak ang luha ko sa papel ngunit hindi ko na iyon alintana.

I feel so empty. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginawa kong pagpirma. He took the contract and hid it somewhere. Itinago na rin niya ang baril pagkatapos ay bumalik sa akin.

"From now on, hindi ka na makikipagkita kay Damon at kay Meast. Aalis tayo ng bansa bukas ng hapon ng hindi ka magpapaalam sa kanila. When we get to Vegas, we'll perform the wedding. Expect that it's not the typical wedding ceremony that you know." I was just listening to him, pero pakiramdam ko wala akong naiintindihan.

"Now go inside the room with the white door. Don't ever think of escaping me, Divecca. Hindi mo pa alam ang kaya kong gawin." pagbabanta niya na hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin. Tahimik ko siyang sinunod at pagkapasok pa lang sa kwarto ay kaagad na akong nanghina.

Ako ba? Ako ba ang magbabayad para kay Damon? Kung gano'n gagawin ko. Damon protected me before. It's my time to do the same. Para makabawi. Gagawin ko lahat huwag lang madagdagan ang hirap na pinagdaraanan ng kapatid ko. Ano man ang nagawa niya kay Hunter para magalit ito ng ganoon katindi. Wala na akong pakialam. He took me as a payment for my brother's arrears with him.

Hindi na ako nagmatigas pa.

Kinabukasan ng hapon ay totoo ang sinabi niya na aalis kami ng bansa. Mabigat sa pakiramdam ko na umalis, without informing my brother and Meast. Alam kong hinahanap na ako ni Damon ngayon. Alam kong nag-aalala na siya pero wala akong magagawa. Hawak na ako ni Hunter sa leeg. Ano mang pagtakas ang gawin ko, buhay ko at ni Damon ang nakataya.

Sa dami ng nakasunod sa amin na tauhan ni Hunter sa airport ay alam ko nang hindi nga siya basta-basta. Akala ko, wala ng mas dedelikado pa kay Damon o Meast, but this man... I knew he had so many skeletons in his closet.

Hunter isn't just a mere engineering student who has the looks, brain, and money. There was something dark in him... or maybe... he was the darkness himself, luring me.

    people are reading<Hunter's Wrath (Completed)>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click